Chapter 49

2.1K 110 11
                                    

ALDEN'S POV

"Hi." Nawala ang matagal kong pagtitig sa kanya ng magsalita na ito. Hindi ko na mapigilang maglabas nang ngiti. Hindi ko ineexpect na gagawin nya ang bagay na to.

"Ano to?" tanong ko sa kanya at nglakad na ako papalapit dito.

"Well, consider this as my thank you gift for everything na ginawa mo para sa akin these past few months." napakunot noo ako dito. The way she said those words ay parang hindi naman pagpapasalamat ang inihihiwatig nya. Her smile fades a bit but then smiles back again at me.

"Why? Kahit naman wala nang ganto and a simple thank you would do." sabi ko sa kanya at hinalikan ko ang noo nito and I close my eyes to savor the moment. Kasabay nang tugtugin mula sa nagviviolin ay ang muting pag sayaw namin. Hindi ko inaalis ang pagkakalapat nang labi ko sa noo nito at hindi naman ako nito tinutulak papalayo kaya nagsayaw na lang kami panandali. Sya na mismo ang lumayo sa akin makatapos nang mga ilang minuto.

"I know that you're hungry. Kanina pa kita pinapaikot ikot sa lugar nato. Shall we take a seat?" sabi nya at hinawakan ko na lang ang kamay nito at ako na ang nagdala sa kanya sa upuan nya at pinagbuksan ito para makaupo.

"I didn't expect you to do these stuffs. Pero I appreciate your effort. A lot." sabi ko dito at she just smiled at me and call in the waiters.

Madaming pagkain ang ihinarap sa amin at may bottle of wine pa at desserts.

"Sana magustuhan mo, ilang araw din akong nagpractice para makapagluto nang mga ito. " sabi nya. Naaalala ko ang ilang beses na nakita kong may mga band aid ito sa daliri at sasabihin lang nitong paper cuts kaya pinapabayaan na lang nya.

"Masarap ba ito? Baka mamaya eh ma food poison ako ha?" biro ko sa kanya.

"Hoy! Grabe sya! Hindi yan. Tinikman ko na yan kaya masarap yan!" determinadong sabi nito sa akin.

" Sigurado ka ha!" and then nagtawanan na lang kami. Nakita kong hinihintay nya ang pagtikim ko sa pagkaing inihanda nya para sa akin. Pinapatagal ko pa ito bago ko kakainin.

"Anu ba! Bilian mo naman KInakabahan na ako dito eh!" natawa ako dahil seryoso na sya sa akin. Kaya sinubo ko na ang niluto nito.

DAHLIA'S POV

Anu ba yan pabebe naman ni Alden eh. Hindi ba nya alam na I'm so kaba dahil bago lang ito sa akkin and siya ang unang taong ipinagluto ko ng special.

"Alden!"napatayo ako at tumakbo papalapit sa kanya. Bigla kasi itong napatakip sa kanyang bibig at dumukdok sa lamesa.

Hala hindi na ito kumikilos... Baka napatay ko na ito?! Masarap- naman to nung tinikman ko kanina ah! Napanis ba to? Hindi naman eh.

"Alden? Alden huy!" paulit ulit ko itong niyuyugyog pero wala nakadukdok lang sya. Hala natsugi ko na to?!


"Pft..." napansin kong nagtataas baba ang balikat nya at maya maya lang ay tumatawa na ito. Napasimangot na lang ako.

"So akala mo nakakatuwa iyon?" hindi ko mapigilang mag taas ng kilay. Hello? Jombagin ko na kaya ito nang matuluyan na?

"Ha... Ahhh... So... Sorry na. Nagbibiro lang naman ako eh. Sarap nga ng luto mo." nagthumbs up pa ito sa akin. Che! Inirapan ko nga. Pero imbes na mainis ay tumawa lang ito at nagpatuloy na kumain. Sigh... Kung pede lang.


Kesa maginarte ako ay kumain na din ako at nakipagkwentuhan sa kanya. Hindi ako nagsasawang mag pakwento sa kanya na kung paano kami nagkakilala, anong nagyari pagkatapos kong maging katulong sa kanya. Pero alam kong may hindi sya sinasama inside of me I know na may hii na sya sinasabi sa akin. Pag tinatanong ko naman ay sasabihin nito na hindi ko na kaiangan maalala pa iyon. Iyan ang hirap pag ikaw mismo hindi mo alam ang nakaraan mo.

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon