Chapter 20

2.8K 138 7
                                    

DAHLIA'S POV

Buong byahe pagkatapos magstop over ay nakatulog ulit si Baste. Pati na din ako. Hindi ko kasi mapigilang alalahanin kung ano nangyari habang kumakain kami. Hindi ako makapagfocus. Kaya hindi na din ako nakakain ng maayos. Kaya kesa isipin ko ang nangyari. Natulog na lang ako.

Hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa excitement. Pati nga kila nanay binalita ko iyon. Kaya tatawagan nila ako mamaya.

Naalimpungatan ako ng bahagya at naramdaman ko na bumagal at di kalaunan ay huminto na ang sasakyan. Kaya dumilat na ako at tumingin sa paligid.

"Wow!" nasambit ko. Ang ganda ng beach na nasa harapan ng hotel. Tapos sa harapan mismo ng hotel ay may pool. Kitang kita ang dagat sa harap ng hotel.

Lumabas na si Sir Alden at naginat ng bahagya. Napasarap pala ang tulog ko.

"Paki gising na si baste." Sabi nito at may tinawag na nakauniform, staff ata.

Bumaba na ako ng sasakyan at naginat ng konti. Ang sakit ng balakang ko.

Then nilapitan ko ang backseat at ginising si Baste.

"Baste, andito na tayo." Sabi ko habang inaalis ito sa car seat nya at tinatapik bahagya ang binti para magising.

Pero mukhang humimbing na ang tulog nito. Mahirap yan, gising ito mamayang gabi. Kaya netong nakaraang mga araw, hindi ko hinahayaang matulog ito sa hapon. Dahil magdamagan ako at si Alden ang kinukulit kaya hindi ko na ito pinatutulog.

"Gising na ba?" Tanong ni Sir Alden ng lumapit ito sa amin, katabi ang bellboy na magdadala ng gamit namin.
"Hindi pa po eh, dumiretso na po ng tulog nya para sa hapon." Sabi ko dito. Napansin kong nakashades na sya at nakatupi na hanggang siko nya ang long sleeves nito kaninang umaga.
"Ganun ba?" Sabi nito at iniabot sa akin ang lagayan nito ng laptop na bitbit bitbit nya. Lumapit ito kay Baste at walang kahirap hirap na binuhat.
"Dalin na lang natin ito sa kwarto, nga pala didiretso agad ako sa meeting. " sabi nito at tumango na lang ako at sinundan na ang bellboy papasok ng hotel.

Kung maganda ang labas, mas maganda sa loob.

May naglalakihang chandelier, may mga sofa na mahahaba at may fountain sa gitna.

"Dahlia! Tara na dito." Tawag sa akin ni Sir Alden, sa pagkamangha ko. Nasa elevator na pala sila. Kaya dali dali akong tumakbo papasok sa elevator.

Habang nasa loob may pinatutugtog na music. Pero tahimik pa din ang paligid.

Ting...

Nang bumukas ang ika 6th floor. Naunang lumabas si Sir Alden at sumunod na ako.

Ring... ring...

Sinagot ni Sir Alden ang phone nito. Kaya napatigil ito sa paglalakad kaya tumigil din kami sa paglalakad.

"Hello?" sagot nito sa kausap.

"Yes, andito na kami... may mga kasama ako... Oo papunta na ako. Bye." Sabi nito at dumiretso sa pinakadulong pinto at binuksan.

Wow, pagpasok mo pa lang makikita mo na ang asul na dagat at ang bundok na nakapaligid dito. May mga bangka din sa daungan.

Sa loob naman ng kwarto, may dalawang kama. Tapos may TV sa harap ng higaan.

Nagikot akong bahagya, habang ibinababa si Baste sa higaan.

Kompleto ang gamit sa loob. May isang banyo din na mas malaki pa ata sa apartment na tinitirahan nila nanay ngayon at may balcony na may mga upuan at table sa labas, then may isang bakal sa gitna na pede atang pag gawaan ng apoy. Ang astig naman dito.

"Dahlia?" Bumalik agad ako sa loob dahil tinatawag na ako ni Sir Alden. Wala na din yung bellboy.

"Po?" Sabi ko pagkalapit ko dito.
"Aalis na ako at may meeting ako ngayon. Pagnagutom kayo tawag na lang kayo sa baba. Then kung magiikot ikot kayo. I text nyo lang ako and please Lang wag na kayong lalayo at magpapagabi." Sabi nito sa seryosong boses.

"Sige po. Eto na yung bag nyo." Iniabot ko sa kanya ang bag ng laptop nya.
"Thanks." Sabi nito at naglakad na palabas ng pinto.

Pero bago pa man ito makalabas ng pinto ay hinabol ko ito. Inayos ko ang nakalukot na kwelyo nito. Kaya napatigil ito sa paglalakad at humarap sa akin.

''Th... Thanks." Then umalis na ito agad.

Tama ba ang nakita ko? Namula ang mga pisngi ni Sir Alden? Pero parang imposible naman iyon di ba? Baka naiinitan lang.

Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob. Di na ako nagabala pang maglock, kasi instant lock ang kwarto. Tutyal.

Lumapit na ako sa hinihigaan ni Baste at inayos ang pagkakahiga nito at nilagyan ng kumot. Malamig naman kasi nakabukas ang aircon, papatayin ko na lang ito mayamaya at bubuksan ang bintana para mas presko.

Ring... Ring...

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko at may tumatawag. Si nanay.

"Hello nay? " bati ko dito.
"Iha! Nandyan na ba kayo? Kamusta maganda ba? " sabi ni nanay na halatang excited.
"Nay, hinay hinay lang. Opo, andito na po kami at nay sobrang ganda po." sabi ko.
"Sana nakikita din namin iyan. Sigh... Kamusta si Baste? " tanong ni nanay.

Nito kasing nakaraang mga araw, pag tumatawag si nanay. Kasama ko si Baste kasi inaalagaan ko ito pagtapos na ako sa gawaing bahay. then pinakilala ko si Baste at sobrang nacutan si Nanay kay baste. Pati na din mga kapatid ko.

"Naku nay, ayun kanina pa bagsak. Papunta dito at nung pagkatapos naming kumain. Hahaha nakakatuwa nga eh hindi man lang maabala sa pagtulog. " sabi ko dito habang inaalala ang kanina.
"Naku nakakagigil naman iyang batang iyan. Kung sana naging ganyan din ka cute ang mga kapatid mo noon. " pabirong sabi ni nanay at may narinig naman akong nagreklamuhan sa kabila ng telepono.
"Hahaha, oh sya, andito ang mga kapatid mo. May sinasabi. " sabi ni nanay tapos narinig kong nililipat ito. Sinilip ko muna si Baste. As usual, mahimbing pa din ang tulog.

"Ate!" sigaw nung dalawa.
"Oh, anu daw sasabihin nyo? " sabi ko sa mga ito.
"Pasalubong! " sabi nilang dalawa, natawa naman ako. As usual.
"Ayoko nga. " tukso ko sa mga ito.
"Ehhh.... Ate naman eh! Sige na po! Love ka namin ate! " sabay na sabi nila. Napatawa na lang ako.
"Oo na! Para namang hindi na kayo mabiro. " loko ko sa mga ito.

Humaba pa ang paguusap namin at ng nagising si Baste ay kinausap din ito nila nanay.

ALDEN'S POV

Habang nagdidiscuss yung head sa harapan para sa project namin for two weeks dito sa laguna. wala sa meeting ang isip ko.

Napabalik ako sa oras kung saan pasulyap sulyap ako sa kanya. Ang nakaawang nyang bibig habang natutulog, ang tirik ng mga mata nya habang natutulog, ang pamunti munti nyang paghilik at higit sa lahat ang pagtulo ng laway nya habang nakanganga.

Hindi ko napigilang natawa noong nagdadrive ako sa itsura nya nun. Halata sa mukha nya na payapa itong natutulog.

Sa kabila ng gara nya sa pagtulog di ko mapigilang mapaisip.

Bakit pag nakikita ko sya. ang dating nya sa paningin ko napaka perfect nyang tao.

And I cant help but compare her. To compare her to the one I loved back then.

Naiisip ko, paano kaya kung nakilala ko sya noon pa? Paano kaya kung sya na lang noon? Magiging masaya kaya ako ngayon?

Maybe I should have prayed hard to God back then.

Nasana noon palang binigyan na nya ako ng isang katulad nya.

Isang katulad ni Dahlia.






Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon