Chapter 37

607 47 4
                                    

Lumipas ang dalawang buwan sa relasyon nina Bea at Jake nang maayos. Masaya sila at wala namang nagiging problema. Kung meron man, maliliit na tampuhan lang. Pero nagsimula itong umalat ng napapadalas ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

"Oh. Buti naman dumating ka pa."

Bungad ni Bea kay Jake pagkarating nito sa bahay ng dalaga. Hinihintay niya kasi ito para sabay sila pumunta sa bahay nina Mike at Pau, may gathering kasi sila para sa nalalapit na kasal ng dalawa.

"Sorry. Di ko naman alam na ganun magiging katagal yung meeting namin e." Sagot ni Jake.

"Sinabi ko na kasi sa'yo na sasabay na lang ako kina Barbz, pero ano, pinilit mo pa rin." Halatang sobrang inis ang dalaga sa pagka-late ng binata.

"Akala ko kasi..." Magpapaliwanag sana ang binata pero agad naman siyang pinutol nito.

"Akala, akala... Puro ka na lang akala..."

Tumahimik na lang si Jake. Ayaw rin naman niyang sabayan ng init ng ulo ang dalaga at alam naman niyang kasalanan din niya kung bakit nagagalit ito ngayon.

"Alam mo namang ayaw ko ng late di ba?"

"Alam ko. Kaya nga sorry di ba. Wag na naman tayo mag-away. Please. Ang dami-dami kong ginawa sa office kanina. Pagod ako."

Natahimik naman si Bea sandali.

"Sorry na." Inabot ni Jake yung kamay ni Bea at hinawakan. "Sorry, di na mauulit." Sabi pa nito. Pero hindi pa rin nagbago yung reaksyon ni Bea. Sa halip, bumitaw ito sa binata at tumayo.

"Umalis na tayo. Kanina pa tayo hinihintay dun."

Lumabas na nga ito ng bahay nila at agad sumakay sa sasakyan ni Jake. Sinundan na lamang siya ni Jake at sumakay na din kaagad. Tiningnan niya ang dalaga pero halatang naiinis pa rin ito sa kaniya. Kaya pinabayaan na muna niya at nagdrive na lang siya. Naging tahimik ang buong biyahe nila. Nagsalita man si Jake, hindi naman siya sinasagot ni Bea at nakatingin lang ito sa bintana hanggang sa nakarating na sila sa bahay nina Mike at Pau.

"Oy, dumating din ang lovebirds." Bungad ni Ralph sa kanila. Bumati lang ang dalawa sa kanila. Tapos pinakilala ni Jake si Bea sa ibang kasama nina Kris at Ralph.

"Guys, si Bea nga pala. Girlfriend ko." Tapos ay pinakilala ni Jake sila isa-isa. "Mahal, si Miggy kapatid ni Mike. Tapos si Vince atsaka si Lance, mga kuya ni Pau."

"Hi guys..." Bati ni Bea sa kanila. Tapos narinig niyang nagbibiruan na sila nina Jake kaya kinausap niya saglit si Ralph. "Ralph, sina Barbz?"

"Nasa loob. Pasok ka na lang dyan." Sagot nito.

"Guys, excuse lang ah. Pasok muna ko sa loob." Paalam niya sa mga binata. Tumango lang ang mga ito. Si Jake hindi na rin nakapagsalita dahil agad umalis ang dalaga pagkapaalam niya.

Sakto naman nakasalubong nito si Mike na palabas naman.

"Bea..." Bati nito sa kaniya. Bumeso siya dito. "Sa wakas, dumating din kayo. Bakit ngayon lang kayo?"

"Hay naku, tanong mo dun sa kaibigan mo." Mataray na sagot nito. Nagtaka naman si Mike sa kaniya. "Sina Pau pala?"

"Nandun sa may sala. Derecho ka na lang dyan." Tumango si Bea sa kaniya. "Teka, kumain ka na ba?"

"Tapos na. Yung isa yung tanungin mo, di pa yata nagdi-dinner yun e." Tukoy nito sa nobyo.

"Asus, kunwari nagtataray pero concern din pala." Pang-aasar ni Mike sa dalaga.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon