Chapter 52

633 60 36
                                    

Few days later...

"Hi Rick." Bati ni Bea sa puntod nito. "Kamusta ka na? Siguro busy ka dyan ngayon habang nagba-basketball kasama si Lolo Jaime." She smiled at the thought of it. "Sorry, I had to interrupt you guys. May gusto kasi akong sabihin sa'yo."

She paused for a while and try to compose herself and her words.

"Rick, mahal kita. Mahal na mahal. Kahit kailan hindi kita makakalimutan. Alam mo naman yun di ba?" Seryosong sabi nito habang nakatingin sa pangalan ng nobyo sa lapida nito. "But recently, I realized that I have been holding myself back from falling in love again. And I think it's because I can't let you go. Mahirap kasi e, masakit pa rin. Pero kahit mahirap kailangan ko subukan. Kaya kailangan ko ng magpaalam. Kailangan ko ng bawiin yung puso ko sayo." Tears started falling from her eyes. "Okay lang ba? Okay lang bang i-let go na kita?"

Lalo lamang siya napaiyak sa tanong niya. Alam niyang walang way para marinig niya ang sagot ng binata sa kaniya pero she wanted to ask it anyway. Dahil ganun na lang ang respeto niya sa yumaong nobyo. But then, she felt the cold wind blew against her skin, despite the strong heat of the sun. Kaya lalo lang siyang napaluha.

"Salamat, Rick. Salamat sa lahat. Hindi kita makakalimutan." She smiled towards his grave. "I guess this is it. This is our goodbye."

Nilapit niya ang palad niya sa kaniyang labi at tsaka binalik sa puntod ng binata. Tsaka tinuyo ang mga mata niya at ang mga pisnging may luha.

Losing Rick was by far the most hurtful thing that happened to Bea. It was so sudden. It was so unexpected. She didn't even had the chance to say goodbye to him properly. And what she did earlier was not a very easy thing to do. But she did it. Kasi partly, ready na siya. Kasi partly, kaya na niya. Pero hindi pa buo. She needs time, not little, but a lot of time to recover from everything she has gone through.

Nung okay na siya, tumayo na siya at dumirecho sa sasakyan kung saan naghihintay si Barbie. Pumasok na siya kaagad sa sasakyan ng makarating dito.

Nakangiting sumakay si Bea pero halata pa rin ang namumugtong mata nito dahil sa labis na pag-iyak.

"Okay ka lang?" Barbie asked her.

Tumango naman si Bea.

"So sigurado ka na ba? Hindi na ba talaga kita mapipigilan?"

Huminga ng malalim ang dalaga tsaka nagsalita.

"Sure na. I need to do this. Sa tingin ko nga dapat matagal ko na 'tong ginawa."

Ngumiti lang si Barbie sa sinabi niya.

"Sorry, kailangan kitang iwan."

"Wag mo ko intindihin. Ang mahalaga maging okay ka. Tsaka nandito naman si Ralph e, hindi naman ako mag-isa." Ngumiti si Bea. "Pero syempre, mami-miss talaga kita."

"Mami-miss din kita."

Nagyakap ang dalawa nang mahigpit. Ramdam nila ang lungkot pero kailangan nila itago sa isa't isa dahil ayaw rin nilang may panghinaan ng loob sa kanilang dalawa.

Ilang saglit pa, humiwalay na sila sa isa't isa at saka nagpalitan ng ngiti.

"So tara na? Ready ka na?"

"Yeah."

"Wala ka ng nakalimutan? Wala ka ng gagawin?" Tumingin lang siya kay Barbie. "Ayaw mo talagang ipasabi sa barkada na aalis ka?"

"Ikaw na lang bahala siguro."

"Kahit kay Jake? Hindi ka ba magpapaalam sa kaniya?"

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon