Days after, naulit pa din ang pagdadala ni Jake kay Bea ng foods for lunch or snacks. Minsan siya mismo ang nagdadala, minsan pinapa-deliver na lang niya kapag marami siyang ginagawa. Natutuwa naman si Bea sa effort ni Jake sa kanya. Kaya kahit pagod siya at sobrang busy ay gumagaan din ang pakiramdam niya dahil sa mga ginagawa nito.
Friday afternoon...
"Hello?"sagot ni Jake sa kabilang linya.
"Jake..."
"Bea, napatawag ka..."
"Tatanungin lang sana kita."
"Ano yun?"
"May lakad ka ba tonight?"
"Ako?"
"Malamang ikaw... Ikaw kausap ko e."
Tumawa ang binata.
"Nagulat lang ako kasi natanong mo. Wala naman. Bakit? May pupuntahan ka? Magpapasama ka?"
"Ah hindi. Yayayain sana kita. Dinner?"
"Dinner?"Narinig na naman niyang napatawa ang binata. "Niyayaya mo ba kong makipag-date, Ms. Binene?"pabirong sabi nito.
"Hmmm. Parang ganon na nga Mr. Vargas. Ayaw mo ba?"
"Wala akong sinabi ah."
"So later?"
"Opo. Sige, dinner tayo."
"Good."
"Sunduin kita dyan."
"No, wag na. Sa resto na lang tayo magkita."
"Sure ka?"
"Yup."
"Sige, ikaw bahala."
"Okay. Bye!"
"Bye!"
Later that evening...
"Para san ba 'tong dinner na 'to ah..."
"Wala lang."
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go
RomanceHow would you suppose to let go that one special person you learned to love for the rest of your life? How would you suppose to hold on to that one special person that was never been totally yours to begin with...