Chapter 39

817 63 14
                                    

"Bei, kotse ni Jake yan di ba?"

"Oo nga. Sa kaniya yan." Nasabi naman ni Bea nang mapansin ang sasakyan. "Anong ginagawa niya dito?"

"Malamang hinahanap ka nyan. Siguro makikipagbati sa'yo. Ikaw kasi ayaw mong pansinin." Pang-iinis pa ni Barbie.

Pumarada na nga sila sa tapat ng bahay nila. Tapos ay bumaba din agad ang dalawa. Pero nagulat sila nang nakita nila si Jake sa loob ng sasakyan niya na natutulog. Kinatok ni Bea yung bintana pero hindi kumikibo ang binata. Kaya binuksan niya yung pinto.

"Naku, lasing din. Buti nakapagdrive pa yan papunta dito." Sabi ni Barbie. "Lapitan mo nga. Buhay pa ba yan?" Biro pa nito.

"Tumigil ka nga dyan." Awat ni Bea sa kaniya.

Tapos nilapitan ni Bea ang binata at ginising ito.

"Mahal..." Mahinang sabi nito habang hawak-hawak ang mukha ng binata. "Mahal, gising..."

"Hmm?" Medyo dumilat naman ito.

"Tayo ka na dyan. Halika sa loob, doon ka na matulog." Mahinahon na sabi ni Bea.

Tumango si Jake at akmang lalabas na ng kotse kaya tinulungan siya ni Bea. Nang makalabas sinandal niya muna ito sa kotse para hintayin si Barbie na kinuha ang susi ng kotse ni Jake. Pansin ni Bea na lasing na lasing ang binata dahil halos hindi na ito makatayo ng tuwid. Nang maisara ni Barbie yung sasakyan, pinagtulungang akayin ng dalawa ang binata papasok sa bahay tapos dahan-dahang pinaupo sa sala.

"Grabe, ang hirap mag-alaga ng mga lasing ah." Ani pa ni Barbie nang maibaba si Jake.

"Hay nako, pasaway talaga yang mga lalaking yan. Lalo na 'tong isang 'to." Tukoy ni Bea kay Jake na ngayon ay nakapikit at mukhang nakatulog na naman. "Nakuha pa talagang magdrive kahit lasing na lasing na. Buti walang nangyaring masama sa kaniya." May halong inis at pag-aalala yung tono ng pananalita nito. "Barbz, pasuyo naman pahanda yung guest room. Tatawagan ko lang si Tita, ipapaalam ko lang na nandito siya."

"Okay sige."

"Thanks Barbz!"

Umalis na nga si Barbie at inayos yung extra room nila sa baba lang din. Tapos tinawagan na nga ni Bea yung mommy ni Jake.

"Hello Tita, si Bea po ito. Sorry for calling you this late."

"It's okay, hija. Buti napatawag ka, itatanong ko din sana kung kasama mo si Jake. Hindi pa kasi umuuwi."

"Yes, Tita. Yun din po yung tinawag ko. Nandito po siya ngayon sa bahay. Medyo nakarami po ng inom yung mga boys sa party ni Mike. Eto nga po si Jake, nakatulog na sa sobrang kalasingan. Dito ko na po sana patutulugin sa may guest room." Dere-derechong sabi ni Bea. Hindi na niya sinabi pa kung paano nangyaring nakarating ang binata sa bahay nila. Baka kasi magalit lang ito at mag-alala pa.

"Ganun ba? Mas mabuti na yan kaysa kung saan-saan siya matulog. Lasing pala yang batang yan."

"Oo nga po. Kaya nga po tinawagan ko kayo, baka mag-alala po kasi kayo sa kaniya."

"Salamat hija. Kanina pa nga rin ako naghihintay ng text niyan."

"Don't worry Tita. Ako na pong bahala sa kaniya."

"Okay. Salamat talaga at salamat din sa pagtawag."

"No worries Tita. Goodnight po."

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon