Chapter 65

522 51 45
                                    

"Ano yung ingay na yun?" Tanong ni Liam kay Bea mula sa kabilang linya. Naka-loudspeak na sinagot ni Bea ang tawag ng binata dahil abala siya sa ginagawa niya sa kusina nang umagang iyon. "Okay ka lang? Suicidal ka na ba?" May kasamang pag-aalala ang tanong nito.

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Ang OA mo ah." Sagot naman ni Bea sa kaniya.

"Eh ano yun? Tunog chainsaw e. Ano bang ginagawa mo?"

"Baliw 'to. Yung mixer yun. Nagbe-bake kasi ako." Paliwanag ng dalaga.

"Na naman?" Bulyaw nito. "Araw-araw ka ng nagbe-bake ah. Balak mo bang pakainin lahat ng nagugutom sa mundo?" Biro pa ng binata. Kung tutuusin, may punto naman ang sinabi nito. Dahil halos baking na lang ang laging pinagkakaabalahan ni Bea after ng mga nangyari sa huling pagkikita nila ni Jake. Though tinatanggi ng dalaga na yun ang dahilan ng araw-araw niyang pagbe-bake, alam na alam naman nina Liam at maging si Barbie na apektado rin siya rito.

"Pwede rin." Natatawang sagot naman ni Bea. Sinakyan na lang ang biro nito.

"Sosyal mo ah. Yung gobyerno, may pa-lugaw lang. Ikaw, brownies, cupcakes, cookies, ang taray. Iboboto kita sa susunod na eleksyon." Hirit pa ng binata.

"Aga-aga, ang lakas ng tama mo."

"Aga-aga kasi kung anu-ano ginagawa mo." Balik naman ni Liam.

"Aga-aga tawag ka ng tawag." Ganti naman ni Bea.

"Eh, bored na kasi ako." Reklamo nito.

"Ang sabihin mo, kinakabahan ka sa interview mo." Pang-iinis ni Bea. Narinig naman niyang napabuntong hininga si Liam. Ngayon kasi nito makikilala ang may-ari ng resto ng gusto niyang pagtrabahuhan at ngayon ang final screening niya bilang chef. "Hoy William, wag ka nga mag-inarte dyan. Kayang kaya mo yan. Wag ka kabahan."

"Honestly, mas kinabahan ako nung tinawag mo kong William." Natawa naman si Bea sa sinabi nito. At narinig niyang tumawa din ang binata. "Tumayo balahibo ko oh." Dagdag pa nito.

"Puro ka kalokohan."

Natawa namang muli ang binata.

"Sige na, busy ka yata e. I need to go na rin. Baka tawagin na ako sa loob."

"Okay. Good luck! Kayang-kaya mo yan!"

"Thank you."

"Okay. Bye."

Tinapos na nga ng dalawa ang tawag at pinagpatuloy na ni Bea ang ginagawa niya. Wala pang 10am pero halos makaka-dalawang batch na ng crinkles ang nagagawa niya. Wala namang okasyon pero sadyang gusto niya lang magbake. At kahit alam niyang walang kakain ng mga bine-bake niya kundi sina Liam, Barbie at Ralph, okay lang sa kaniya.

"Hey what's going on in here?" Narinig niyang tanong ni Barbie. Nakita niyang bihis na ito at mukhang may lakad.

"Good morning. Gumagawa akong ng crinkles. Gusto mo tikman?" Alok niya.

"Sure." Mabilis na pagpayag nito. Lumapit agad siya sa kinaroroonan ni Bea at kumuha ng isang piraso. "Wow, red velvet." Pansin nito agad. Pinanuod lamang siya ni Bea habang tinitikman ito ng dalaga. "Ang sarap." Puri agad nito. "Ano yung filling na nilagay mo?"

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon