Chapter 71

337 32 24
                                    

"Ano ba talaga ni Jek si Bea?" Tanong ni Caloy kay Kevin. Pare-parehong may hawak na bote ng beer ang dalawa kasama si Keanu sa lamesa na pinagkainan nila kanina.

"Girlfriend. Di ba obvious?" Ani ni Keanu.

"Hindi niya girlfriend si Bea." Seryosong sagot naman ni Kevin. "Actually, ex-girlfriend niya si Bea."

"Ohhhh." Sabay na reaksyon naman ng dalawa.

"Eh baka naman nagkabalikan na sila." Dugtong agad ni Caloy. Napatango naman si Keanu sa pagsang-ayon sa sinabi nito.

"Malabo." Sagot naman ni Kevin.

"Panong malabo? E kasama niya nga ngayon oh." Keanu pointed out.

"Basta malabo pa rin. Ewan. Komplikado." Kevin finally said to brush off the topic. Ayaw na rin naman niyang pag-usapan ang kapatid niya ng hindi nito alam. At isa pa, wala naman talaga siyang alam sa kung anong estado ng dalawa dahil nagulat na lang din siya nang sabihin ni Jake kaninang umaga ang tungkol sa pagsama ni Bea. At kung meron mang dapat ikwento, gusto niyang sa kapatid niya mismo malaman ng mga pinsan nila ang tungkol dun at hindi sa kaniya.

"Hindi kasi nagbubukas ng facebook yung si Jek e. Hindi tuloy tayo updated." Biro na lang ni Caloy. "Wala siguro siyang internet sa condo niya sa Manila." Dagdag pa nito. Tapos ay natawa sa sarili niyang joke.

"Oh ayan na pala si Jek." Sabi naman ni Keanu nang makitang lumabas si Jake sa pintuan. Napalingon naman din ang dalawa sa binata. "Naks, nakapagpalit na ah." Ani pa nito nang makitang nakasando at boardshorts na ang binata at may dalang towel. Ngumiti lang si Jake.

"Nasan si Bea?" Tanong naman ng kuya niya.

"Nasa kwarto. Nagbibihis, nagyayang magswimming e. Hangga't hindi pa daw lumalabas ang araw."

"Ahh."

"Kayo ba?"

"Ako sama ko. Ready to swim na ko kanina pa." Sabi ni Caloy.

"Balita ko nga, kahapon ka pa di naliligo e." Pang-aasar pa ni Keanu. Nagtawanan pa ang tatlo.

"Uy, tsismis lang yun." Tanggi naman nito.

"Nasan pala sila? Bakit tatlo na lang kayo dyan?" Tanong ni Jake sa mga ito.

Sumagot naman si Keanu. "Sina Brix at Kuya Trey, pumunta lang ng convenience store, bumili ng alak. Yung mga girls naman, ayun oh. Nauna na." Sabay turo nito sa may beach. Nakita naman niya sina Jelai, Maze, Hayley, Grace at Megan na busy sa pagkuha ng mga litrato.

"May pa-photoshoot na naman si Mayor." Hirit ni Caloy. "Hindi na nagsawa sa kaka-selfie."

"Si Bea na lang kulang, kumpleto na ang spice girls."

Natawa naman silang tatlo sa sinabing iyon ni Keanu.

"Hindi mahilig yun magpa-picture, malamang magvolunteer lang yun maging photographer nila." Sabi ni Jake.

"Haha. Talaga?" Tanong ni Caloy sa kaniya.

"Oo, kakaiba yun e." Nakangiting pahayag ni Jake habang nakatingin pa rin sa mga pinsan niyang nasa buhanginan.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon