Chapter 30

1K 61 13
                                    

"Good morning!"

"Jake, aga ah."

"Oo, sasabay ko na sana si Bea papasok."

"Ahh ganun ba." Patango-tangong sagot ni Barbie. "Tara, pasok ka muna."

Naupo muna si Jake sa sala habang naghihintay. Nagpunta naman si Barbie sa kusina. Maya-maya pa, bumaba na rin si Bea. Masayang binati nito ang binata sabay beso sa isa't isa.

"Barbie, aalis na kami." Sigaw nito sa pinsan. Lumabas naman si Barbie mula sa kusina.

"Okay. Ingat kayo ah."

Nagpaalam na ang dalawa at tumalikod. Hindi pa man sila nakakalayo, pinigil sila ni Barbie.

"Teka, teka..." Sabi niya. Humarap naman sila muli dito. "Wait lang ah. May napansin kasi akong kapansin-pansin naman."

"Ano yun?" Nagtatakang tanong ni Bea.

"Una may pasundo-sundo effect, tapos may holding hands moment pa. First time ah."

Napatingin naman ang dalawa sa magkahawak nilang kamay. Hinawakan kasi ni Jake ang kamay ni Bea nung lalabas na sana sila.

"Napansin ko lang naman. Baka may gusto kayo sabihin sa'kin, pwede naman..." Hirit pa ni Barbie. Napangiti na lang ang dalawa sa kaniya at nagkatinginan. "Oh ano na?"

"Ano sa tingin mo?" Balik na tanong ni Bea. Na tila naintindihan naman ni Barbie at ikinagulat nito. Tapos ay hindi na ito nakapagsalita. Magkahalong gulat, tuwa at kilig ang nararamdaman niya.

"Kelan pa?"

"Kagabi lang."

"Bakit di mo agad sinabi sa'kin?"

"Sasabihin ko dapat sa'yo pagkauwi niyo kaso inunahan mo ko ng mga kwento mo. Di naman kita maputol, tapos anong oras na din nun. Kaya di ko na lang muna sinabi." Paliwanag ni Bea. "Tsaka alam ko namang malalaman mo din kahit di ko sabihin."

"Naman. Ako pa ba? Magaling ako sa mga ganyan." Pagmamalaki ni Barbie. "Pero... seryoso... Ayieeh..." Binalik naman niya agad sa dalawa ang isyu. Natawa na lang sina Jake sa kaniya. "Uy, Jake congrats! Sa wakas, napasagot mo din tong pinsan ko. Sabi sayo e." Sabay kindat sa binata.

"Oy, anong 'sabi sayo' na yan? Ha? Anong pinag-usapan niyo?" Sabat naman ni Bea.

"Wala, eto naman. Binibiro ka lang ni Barbie."

"Oo nga. Eto masyado."

Tiningnan ni Bea ng masama yung dalawa. Pero agad ding binawi.

"O sige, baka ma-late pa kami."

"Una na kami, Barbie."

"Okay, ingat kayo ah. Jake, ingatan mo yang pinsan ko."

"Oo naman. Kahit di mo sabihin, yun naman talaga gagawin ko lagi." Hirit ni Jake sabay tingin kay Bea. Tiningnan din siya nito pero agad ding naputol dahil nagsalita si Barbie.

"Ay grabe, langgam. Umalis na nga kayong dalawa dito."

"Sige Barbz, see you na lang mamaya."

Tuluyan na ngang lumabas ang dalawa at sumakay sa kotseng dala ni Jake. Saglit ang naging biyahe nila. Hinatid ni Jake si Bea sa office nito.

"Dito na ko." Paalam ni Bea, pagkaparada ni Jake. Pero ngumiti lang ito at bumaba ng sasakyan. Pumunta ito sa side ni Bea at pinagbuksan siya ng pinto.

"Ihahatid kita sa loob." Sabi nito sabay abot ng kamay niya sa dalaga. Wala namang dahilan tumanggi kaya inabot na lamang ni Bea ang kamay niya dito at lumabas ng sasakyan.

Sabay na pumasok ang dalawa sa building, magkahawak ang kamay. May mangilan-ngilan na tumitingin sa kanila. At nadagdagan ito ng dumating na sila sa mismong floor ng opisina ni Bea. Kaliwa't kanan din ang bumabati sa dalaga ng 'good morning', ngiti naman ang sinasagot niya sa mga ito.

"Good morning po!" Bati ng secretary niya sa kanila.

"Good morning!" Nakangiting sabi ni Bea sabay pasok sa office niya.

Nilapag niya yung bag niya sa table tapos ay hinarap si Jake. Pero nagtaka siya sa reaksyon nito.

"Bakit ganyan itsura mo?"

"Weird kasi."

"Ang alin?"

"Kinindatan ako nung secretary mo."

Nagulat si Bea sa narinig niya pero di niya masyado pinahalata sa binata. "Seryoso?"

"Oo. Pero hindi ko alam. Baka ganun lang talaga siya."

Walang anu-ano ay lumapit si Bea sa table at may pinindot sa telepono. Maya-maya pa, pumasok sa loob ang secretary niya.

"Ms. Bea, may kailangan po kayo?"

"Ah wala naman. I would just like to introduce you to Jake."

"Yes ma'am, I've met him before."

"Yes, I know. But I'm afraid it wasn't as proper as it has to be. So here... Jake, she's Princess my secretary."

"And Princess, he's Jake. My BOYFRIEND." Pagdidiin ni Bea. Parehong napatingin si Jake at Princess sa kanya. Si Jake na bahagyang natatawa sa ginawa nito at si Princess naman na tila may hiyang naramdaman nang marinig ang sinabi ni Bea.

"Nice to meet you." Sinabi na lang ni Jake tsaka inabot ang kamay sa dalaga.

"Nice to meet you too... Sir." Bumitaw din kaagad ang dalaga sa kamay nito. "Sige po, lalabas na po ako." Tumango naman si Bea bilang pagpayag tapos ay lumabas na din si Princess kaagad.

"That was a little..."

"What?"

"...bitchy." Natatawang sabi ni Jake.

"That was JUST necessary."

Sinabi naman ni Bea habang papunta sa upuan niya. Natawa namang muli si Jake sa kanya.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?"

Pagtataray ni Bea. Pilit tuloy pinigil ni Jake ang tawa niya at lumapit kay Bea.

"Ang cute mo pa rin pala, kahit nagseselos."

"Wag ka mag-enjoy, hindi yun nakakatuwa."

Naupo si Jake ng bahagya sa mesa ni Bea para nakaharap siya sa dalaga. "Oops. Nagsasalubong ang kilay." Hinawakan ni Jake ang mukha ni Bea. "Chill ka lang. Hindi naman ako sumama sayo dito para makita kang ganyan. Sige na, smile na." Tapos nginitian niya ang dalaga.

Nginitian niya lang ito hanggang sa nakita niyang nagliwanag ang mukha nito at nawala ang inis. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo.

"I love you." Bulong niya. Nakita naman niyang napangiti na si Bea.

"I love you too."

"I need to go now."

"Ingat ka."

"I'll see you later!"

Tumango si Bea.

"Bye!"

Paalam ni Bea tapos ay lumabas na nga ng kwarto si Jake.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon