Chapter 43

462 50 18
                                    

[I'm here.] He texted Bea the next morning, pagkadating niya sa bahay ng dalaga para sabay na sila pumasok sa trabaho. Nagstay lang siya sa loob ng kotse niya, having his ice cold coffee na binili niya on the way there. Medyo inaantok kasi siya dahil late na rin siya umuwi galing sa bar. Pumikit siya for a while habang hinihintay ang dalaga.

After a while, nagulat na lang siya ng may kumatok sa window niya. Binuksan niya ito nang makitang si Bea iyon.

"Bakit di ka pumasok sa loob? Hinahanap kita dun, nandito ka pala." Sabi nito sa kaniya.

"Hindi pa ba tayo aalis?"

"Maaga pa naman. Pasok ka muna sa loob. Dali." Sabi ng dalaga. Tapos ay binuksan ang pinto ng binata at pinalabas ito. "May binake ako."

Hinila na nga ni Bea si Jake papasok ng bahay at dinala sa dining area.

"Upo ka na dyan." Sabi pa nito.

Wala ng nagawa si Jake kundi sundin ang dalaga. Wala rin naman siya sa mood magsalita ng magsalita kaya hinayaan na lang niya. Pagkagaling sa kusina, may dala na itong plates.

"Bea, kakatapos ko lang magbreakfast. Medyo busog pa ko." Sabi niya sa dalaga na pumasok muli ng kusina.

"Binake ko pa naman 'to para sayo." Sagot ng dalaga.

"For me?" Tanong niya. Lumabas naman ng kusina si Bea dala-dala yung caserole at tumango bilang sagot sa tanong niya.

"Wala kasi akong gift sayo kahapon for our monthsary, kaya naisip ko na lang na ipagbake ka ng favorite mo." Nakangiting saad ng dalaga sabay lapag ng lasagna sa harap niya. Medyo napangiti naman si Jake at hinarap ang dalaga.

"You don't have to do that." He said.

"Why not? Ikaw lang ba pwedeng maging romantic?" Biro ni Bea sa kaniya.

Natawa naman si Jake sa kaniya.

"Romantic?" Ganti naman niya dito na tila hindi kumbinsido sa huling sinabi ng dalaga.

"Okay. Fine. Hindi yan romantic. Pero aminin mo, ang sweet ko." Napangiti lang lalo si Jake at napailing na lang sa sinasabi nito. "Come on. Kumain ka na nga lang."

"Salamat. Oo na. Sweet ka na." Pag-amin ng binata. Napangiti na lang sa kaniya si Bea habang pinaglalagay siya sa plato ng lasagna. Napangiti na lang din si Jake habang nakatingin sa kaniya.

After almost half an hour, natapos na din silang kumain. Umalis na din sila kaagad at hinatid ni Jake si Bea sa opisina nito. Masayang naghiwalay ang dalawa para pumasok sa kani-kanilang trabaho.

Pagkarating ni Jake sa office niya, nakasalubong naman niya si Kris.

"Oh san ka punta?" Tanong niya dito.

"Baba lang muna ko sa pantry, di pa ko nakakapagbreakfast e." Sagot naman nito.

"May food ako dito. Baka gusto mo." Alok ni Jake. Pinagbaon kasi siya ni Bea ng lasagna dahil konti lang din ang nakain niya dahil busog pa siya kanina at dahil para sa kaniya naman talaga yung binake niyang yun.

"Uy, tamang-tama. Ano yan?"

"Lasagna." Sabi ni Jake sabay pakita nung clear container.

"Uy, mukhang masarap ah. Luto ni Tita?"

"Hindi. Galing yan kay Bea."

"Kaya naman pala good mood ka. Parang kagabi lang, ayaw na ayaw mong ngumiti. Bati na kayo?"

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon