Chapter 104

246 24 9
                                    

"Mahal, tulog ka pa?" Bea carefully nudged her sleeping prince charming.

Kasalukuyang nasa kwarto ang dalawa at nasa kama. Nakahiga ang binata at mahimbing ang tulog, samantalang katabi naman nito si Bea na nakaupo at nakasandal sa headboard. Kakatapos lang ng pinapanuod nilang movie, kahit na si Bea lang naman talaga ang nakapanood dahil mabilis na nakatulog si Jake sa simula pa lang ng pelikula. Wala na siyang magawa at naiinip na kaya malambing nitong ginigising ang nobyo.

"Uy." She added when he didn't react. "Iiwan na nga kita." Banta pa nito.

Nakita naman niyang umepekto ang huli niyang sinabi dahil sumimangot ang mukha ng binata at bahagyang dumilat para tingnan siya.

"Saan ka pupunta? Dito ka lang." Pakiusap nito at halatang antok na antok pa. Nilagay pa nito ang kamay sa ibabaw ng katawan ni Bea tila para hindi makaalis ang dalaga. At mabilis na pumikit muli.

"Nabo-bored na ko e. Wala naman ako ginagawa." Reklamo pa nito sa binata.

"Tulog ka na lang din."

"Hindi ako inaantok."

Napadilat namang muli si Jake at hinarap ang dalaga. "Anong gusto mong gawin?"

"Hindi ko alam." Kibit-balikat namang sagot nito.

Napakamot naman ng ulo si Jake sa sagot nito.

"Pag-isipan mo muna. Sabihan mo ko pag nakapag-decide ka na."

Akma namang pipikit na naman ang binata pero agad na pinigilan ito ng dalaga.

"Jakeeeeee!" Reklamong muli nito.

"Mahal, isang oras na lang, promise. Just let me sleep one more hour, then gagawin natin kung anong gusto mo." Pakiusap ni Jake sa kaniya.

Tumitig naman ng matagal si Bea kay Jake at tila nag-iisip. Nakaramdam na din ito ng awa dahil mukhang antok na antok pa talaga ito at nagi-guilty na siya sa pangungulit sa kaniya.

"Okay." Sabi niya. "Sige na nga, matulog ka na ulit."

Napangiti naman si Jake sa pagpayag nito. "Love you." Lambing pa niya tapos ay pumikit na muli.

Wala nang nagawa si Bea at mukhang madaling nakagawa muli ng tulog si Jake. Kinuha na lamang niya yung libro sa night stand at sinubukang magbasa para pampalipas ng oras.

Hindi pa man siya nakakatagal ng pagbabasa ay narinig niyang nagvibrate yung phone niya at kinuha niya iyon kaagad. Binasa niya yung message mula kay Barbie.

[Hey, nasa bahay kayo?] Tanong nito.

[Yup. Why?] Sagot naman niya.

[Papunta ko dyan. On the way na ko.]

[Okay sige. Ingat!]

Tila natuwa naman si Bea sa texts nito dahil kahit papano ay makakausap na siya habang tulog si Jake. Ilang minuto pa ay dumating na din si Barbie. Hindi na nag-abalang magpaalam si Bea sa natutulog na si Jake at dumirecho na siya sa baba para salubungin ang pinsan niya.

"Barbz, I missed you." Bati ni Bea sa pinsan niya nang makita niya ito sa may sala. Nagbeso ang dalawa at naupo. "Buti naman dinalaw mo ko dito. Kanina pa ko nabo-bored e."

"Nagpapa-miss lang talaga ko." Sagot naman ni Barbie. "Tsaka may bantay ka naman na dito, di mo na ako kailangan."

"Sus!" Sabi na lang ni Bea dito.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon