Chapter 67

542 52 34
                                    

[Jake, we need your team early tomorrow for an emergency meeting. Please have them in the office before 8AM. I need them complete, okay? Thank you.]

Yan ang bumungad kay Jake pagkagising na pagkagising niya. It was a text message from their project lead. And though sanay na naman siya sa mga ganiyang extra responsibility dahil na rin mas tumaas ang posisyon niya sa kompanya, he still doesn't like how it spoils his day. And to think today was a Sunday, that makes it even worse. Pero wala siyang magagawa, kailangan niya sumunod. So nagreply na lang siya then tinext niya yung isang team member niya.

[Hi Ellie, good morning. Emergency meeting tomorrow at 8AM. Paki sabihan ang buong team. Make sure everyone is aware. And please tell them, bawal ma-late. Thanks!]

[Boss, anong meron?] Reply agad ni Ellie.

[No idea yet. But please comply.]

[Okay boss.]

Napabuntong hininga si Jake at napaisip. Emergency meeting, what else could it mean? Malamang may problema na naman on one of their sites that needed immediate actions. Busy na naman siguro ang week na ito for them. Wala pa man din ay parang napagod na siya sa naghihintay na trabaho sa kaniya bukas.

Binalik niya yung phone sa bedside table niya. Pero napatigil siya nang mapansin niya yung box ng cupcake sa tabi nito. Bigla siyang napangiti. Bumangon siya at kinuha yung box. Nilagay niya sa ibabaw ng kama niya at nakangiting nakatitig dito. The box doesn't look so special at all but Jake looked at it like it was somehow amusing. Na parang biglang nagflashback lahat ng nangyari last night and thinking about it instantly made him happy.

Beep beep

Tumunog muli ang phone niya. He got a viber message from his mom.

[Jake, gising na. Come eat breakfast with us. Nagluluto ako ng favorite mong tocilog. :)]

Then, it beeped again and he received a photo of his mom in the kitchen. Napangiti lalo si Jake. Simula kasi ng maturuan nila ang mommy niya na gumamit ng Viber, palagi na sila pinapadalhan ng kahit ano nito maging yung kuya niya. Kaya imbis na umakyat ito at tawagin sila sa kwarto, sine-send na lang niya sa Viber. It's practical. She would always say. Then she would add, makakatulong 'to pag nirarayuma na ko at di na ko makatayo. And then they would just all laugh.

Tumayo na nga si Jake at bumaba, dala-dala yung box ng cupcakes. Dumirecho siya sa dining area, at nakita niya na nandun din ang kuya niya at si Megan.

"Good morning." Bati niya sa mga ito.

"Hi Jake, morning." Sagot ni Megan sa kaniya.

"Ano yang hawak mo?" Tanong naman ni Kevin sa kaniya.

"Cupcakes." Inangat pa niya para makita nila, then nilapag niya sa mesa.

"Wow, mukhang masarap. Pahingi ah." Paalam ni Kevin sa kapatid.

"Sige lang." sagot ni Jake. Kumuha nga ito sa box at inabutan din ang nobya niya. Pinanuod lang ni Jake ang dalawa habang hinihintay ang reaksyon ng mga ito. "Sarap di ba?"

"Yeah. It's good." Megan answered. Nakita din niyang tumango ang kuya niya bilang pagsang-ayon. "San mo nabili?" Pahabol pang tanong ng dalaga.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon