Chapter 12

1.1K 52 11
                                    

After ng huling paglabas nina Jake at Bea, halos nagtuloy-tuloy na din ang pagkikita ng dalawa. Madalas siyang yayain ni Jake na magdinner pagkatapos ng trabaho nila o di kaya naman e manood ng sine kapag weekends. Na hindi naman tinatanggihan ni Bea dahil wala naman siyang masamang nakikita sa binata. At dahil na rin, masaya siya kapag kasama ito. Consistent din ang communication ng dalawa. Madalas silang magkausap sa telepono o di kaya naman magkatext. Pati rin sa mga social sites, nagkakausap din sila.

"Huy!" nagulat siya ng tapikin ni Barbie ang balikat niya. Nasa sala ang dalawa habang nanunuod ng tv, katatapos lang nila mananghalian. "Kanina pa kita kinakausap, hindi mo ko pinapansin..." nagtatampong sabi nito. Kanina pa kasi siya busy sa pagtetext, hindi niya tuloy namalayan na kinakausap na siya ng pinsan niya.

"Sorry naman." nasabi na lang niya.

"Sino ba yang ka-text mo?"

"Ah, wala. Si Jake 'to. Nang-iinis lang." nakangiting sagot niya.

"Nang-iinis tapos nakangiti ka pa, yung totoo?" pang-iinis ni Barbie sa kanya.

"Haha! Hindi naman sa nang-iinis talaga, nangungulit lang."

"So magkaiba pa pala yun?"

"Oo. Haha!"

"Tawa ka ng tawa dyan. Alam mo, iba na yan Bei."

"Panong iba?" tanong niya habang natatawa-tawa pa.

"Pang-baliw na e. Pang-mental, yung ganun." sabay banat naman ng tawa ni Barbie. Natawa din si Bea sa kanya.

"Loka ka. Baka mauna ka pa sa'kin dun no." parehong natawa ang dalawa.

"Pero seryoso..." sabi ni Barbie. Medyo napatigil naman sa pagtawa si Bea. "Iba talaga yung saya mo. Swear. Walang halong biro."

"Tingin mo?"

"Oo kaya. Halata naman sa'yo e. Yang mga ngiting ganyan, iba e, may laman."

"Dami mong alam, Barbz." sinabi na lang niya. Pilit binaliwala ang sinabi sa kanya ng pinsan niya.

"Seryoso nga ako." napatingin naman muli si Bea kay Barbie. "Dahil kay Jake no?"

Natigilan saglit si Bea sa narinig niya.

"Kamusta na ba kayo?"

"Kami? Okay naman."

"Panong okay? MU ganun? Kayo na?"

"Oy hindi ah... Kung anu-ano sinasabi mo dyan!" todo tangging sabi nito.

"Hindi mo pa rin siya sinasagot?" gulat na tanong ni Barbie.

"Anong sagot? Ni hindi nga nanliligaw yung tao e..."

"Huh? Di pa siya nanliligaw sa lagay na yan?"

"Hindi no. Wala naman siyang sinasabi sa akin na nanliligaw siya e."

"Di ba nagsabi na siya sayo dati na gusto ka niya?"

"Oo." sabay tango.

"Tapos niyayaya ka niya lumabas-labas ngayon."

Tumango ulit si Bea.

"O e di yun na nga yun. Nanliligaw na yun."

"Barbz, hindi yun ganun. Tsaka wag mo nga pangunahan yung tao. Mamaya wala namang balak talaga e, tapos ano, ako pa lumabas na assuming dahil sayo."

"E di parang sinasabi mo na rin na siya lang din ang hinihintay mo maunang magsabi?" pang-aasar nito sa pinsan niya. Tumataas-taas pa ang kilay nito.

"Wala akong sinasabing ganyan." seryosong sabi niya sabay pa-simpleng irap sa pinsan niya. Natawa na lamang si Barbie sa kanya.

"Hahaha! Okay ganto na lang." sabi nito matapos humupa ang tawa niya. "Humarap ka. Seryoso na 'to." hinawakan niya sa magkabilang braso si Bea at pilit hinarap sa kanya. "Pag nagsabi ba siya sayo, papayag ka?"

"Hindi ko pa alam."

"Hindi mo PA alam. Ibig sabihin may chance talaga."

Napatitig si Bea kay Barbie at natahimik. Napaisip din siya sa sinasabi nito.

"Ha?" muling tanong ni Barbie.

"Ewan. Siguro. Hindi ko pa alam."

Napangisi naman si Barbie sa sagot niya.

"Yun na nga. Haha!" sabi nito na tila may napatunayan siya ng dahil sa mga sagot ni Bea.

"Ewan ko sayo, aakyat na muna ako." tumayo na siya at nagsimulang maglakad.

"Bei..." tawag nito sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad at muling hinarap si Barbie. "Alam ko masaya ka. Nakikita ko yun. Hindi mo naman kailangan itago. Tsaka hindi mo rin naman kailangan pigilan yung sarili mo maging masaya. Deserve mo lumigaya. Kaya gawin mo kung ano yung magpapasaya sa'yo. Promise ko sa'yo, susuportahan kita. Kahit ano pa man yan."

Napangiti naman si Bea sa sinabi ng pinsan niya. Ramdam niyang seryoso ito sa sinasabi sa kanya.

"Thanks Barbz."

=============================

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon