Chapter 97

280 24 2
                                    

"Hello Jake?" Kevin said on the other line, matapos sagutin ni Jake ang tawag nito.

"Kuya, napatawag ka?"

"Busy ka?"

"Ngayon? Hindi naman. Bakit?"

"Samahan mo naman ako. Nasa casa yung auto ko e. Mamaya ko pa makukuha."

"Saan ba?"

"Last fitting ng suit ko. And ipapa-adjust yung wedding ring ni Megan. Magkalapit lang naman yun e." Sabi nito.

"Pwede naman." Sagot niya. "Pero makakabalik ba tayo ng maaga? Pupunta pa kasi ako kina Bea, kuya. May usapan kami."

"Oo, saglit lang tayo. May aasikasuhin din kami ni Megan after e."

"Okay sige." Pagpayag niya. "Mag-aayos na ko. Daanan na lang kita dyan."

"Okay, hintayin kita. Salamat."

Matapos ang tawag na yun ay nagready na nga si Jake at agad sinundo ang Kuya niya sa kanilang bahay. Habang nasa biyahe ay tumawag naman si Jake kay Bea para ipaalam na sasamahan nito ang kapatid dahil baka maghintay ito sa kaniya.

"Nandito na ko sa bahay, one or two hours lang siguro kami." Sabi nito kay Bea.

"Okay, sige lang. Maaga pa naman." Sabi na lang nito.

Sakto namang pasok ni Kevin sa sasakyan niya.

"Nandito na si Kuya." Sabi ni Jake kay Bea. "Paalis na kami."

"Hi Bea." Kevin said loudly, para marinig ni Bea sa kabilang linya. Nilipat tuloy ni Jake sa loudspeak ang tawag. "Pahiram muna ng bestman ko ah. Babalik ko din siya sayo mamaya." Biro pa nito.

Napatawa naman si Bea sa sinabi nito. "Sige lang, kuya. Ingat kayo."

"Salamat." Sagot ni Kevin.

"Mahal, alis na muna kami." Sabi naman ni Jake. "Tawag ako sayo pag papunta na ako dyan. Pahinga ka muna."

"Okay sige. Ingat kayo."

"I love you."

"Love you too."

Then, they ended the call. Umalis na rin ang dalawa pagkatapos at dumirecho muna sa tailoring shop.

"Wine, sir?" Alok nung babae kay Kevin, habang naghihintay ang dalawa sa kanilang turn para isukat ni Kevin ang wedding suit niya.

"Sure." Mabilis na sagot ni Kevin, at inabutan siya ng baso ng white wine ng babae.

"What about you, sir?" Tanong naman nito kay Jake.

"Nope, I'm good. Thanks." Pagtanggi naman niya. Ngumiti lang ang babae at umalis na din pagkatapos. "Umagang-umaga, wine agad." Pabirong sita naman nito sa kaniyang kapatid.

"Libre 'to e, sayang naman." Natatawang sagot naman ni Kevin.

Natawa din si Jake sa kaniya. "Loko." Sabi pa niya.

"Pero seryoso..." Ani ni Kevin pa. "...feeling ko habang papalapit ng papalapit yung kasal, parang mas napapadalas yung pag-inom ko."

Natawa namang muli si Jake sa sinabing iyon ng kapatid niya.

"Walang halong biro, promise." Dagdag pa nito. "Bawat meal ko nga ngayon, laging may kasamang isa o dalawang bote ng beer e. O kaya bawat gawin namin ni Megan na related sa kasal, hindi pwedeng wala akong hawak na bote sa totoo lang."

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon