Chapter 98

267 23 3
                                    

"Tatawagin ko lang si Bea ng makakain na kayo." Sabi ni Gina kay Jake, matapos maihain ang pagkain sa dining katulong ng binata.

"Ako na po ang tatawag sa kaniya." Prisinta naman ng binata.

"O sige." Pagsang-ayon naman nito. "Mag-aayos lang ako sa kusina. Tawagin niyo lang ako pag may kailangan kayo."

"Okay po. Salamat po ulit."

"Wala yun."

Ngumiti pa ito sa kaniya at tapos ay nagtungo na nga sa kusina. Umakyat na rin siya sa taas at pinuntahan sa kwarto si Bea. Nakita niya itong nakaupo sa kama, nakasandal ang likod sa headboard at may kausap sa telepono.

Ngumiti ito ng makita siya at sumenyas para sabihing matatapos na ang tawag. Umupo naman si Jake sa harapan niya at hinintay na maibaba niya ang telepono.

"Opo." Bea said smiling at the person on the other line. "Yes po. Thank you po ulit. Hope to see you soon din po. Ingat po kayo lagi."

Then she ended the call. And looked at him.

"Sino yung kausap mo? Si Tita?" Jake asked.

"Ah hindi. Si Tita Sylvia yun." Sagot naman nito. Pero base sa ekspresyon niya na-realize ni Bea n hindi naman kilala ni Jake ang tinutukoy niya. "Mom ni Rick." Dugtong niya.

"Oh. Okay." He just said, with a slow nod of his head.

"Nangangamusta lang." Maikling paliwanag ni Bea habang pinagmamasdan ang reaksyon niya.

He just nodded again. They were silent for a moment.

"So..?" Bea eventually started.

"Hmm?"

"I'm starving. Gusto ko ng tikman yung niluto mo." Sabi nito.

Jake smiled when he felt her excitement. Sinubukan niya kasi magluto ng sinigang para kay Bea, with the help of course of Ate Gina.

"Tapos na ba?"

"Yeah. Food is ready. Tara na?"

Bea nodded. Jake helped her stand on her feet and they went downstairs. Nang makaupo ang dalaga sa dining table, hinainan niya ito sa kaniyang plato. Tapos ay tsaka siya umupo sa harapan nito.

"Go ahead, try it." Nakangiting alok niya kay Bea.

Humigop si Bea ng sabaw at si Jake naman ay nakatingin sa kaniya at naghihintay sa reaksyon niya.

Nakita niyang napatango-tango ang dalaga habang tinitikman ang luto niya.

"Wow, this is good." Bea complimented.

"You liked it?"

"Yeah. This is really good." She sincerely said. "Kain ka na din." Yaya pa nito sa kaniya.

Jake nodded and got some on his plate as well. At kumain na nga ang dalawa at nagkwentuhan. Bea really seemed to enjoy the food prepared by Jake and he's happy about it.

"Aalis pala kami ni Barbie bukas." Bea opened up at one point. "I still need to buy a dress for kuya's wedding."

"Gusto mo samahan ko kayo?"

"It's fine. May work ka rin, kami na lang bahala ni Barbie since naka-leave siya bukas."

"Okay." Jake agreed.

"Also, I asked ate Gina to have her day off next week." Dagdag pa ng dalaga. "So she won't have to stay alone here since nasa Tagaytay tayo for the wedding."

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon