Chapter 9

636 36 1
                                    

Hours past. An hour past midnight. Unti-unti ng nauubos ang mga tao sa bar. Tumigil na rin ang bandang tumutugtog at tanging sounds na lang mula sa DJ booth ang maririnig. Matagal-tagal na ding nagke-kwentuhan sina Jake at Bea. Nagpapalitan ng kwento, kung anu-anong topic pero mukhang hindi nauubusan ang dalawa. Pinuntahan sila ni Kris isang beses, at napakilala na rin siya ni Jake dito. Napuno ng kantyawan ang dalawa kaya pinaalis na siya nito at pinabalik sa dating table nila. Si Barbie naman ay hindi nag-abalang puntahan siya. Siguro busy kay Ralph. Naisip niya. Pero hindi na niya yun ginawang big deal. In fact, nag-eenjoy naman siya ngayon. Almost 2am, may na-receive siyang text mula dito.

"Are you ready? Nandito na kami sa labas ni Ralph. Hintayin ka namin sa car."

"Okay, palabas na ko." she replied. Tinago na niya pabalik sa bag niya yung phone. Humarap siya kay Jake.

"Jake, I need to go. Naghihintay na sila sa akin sa labas."

"Ganun ba? Ahm, Gusto mo ihatid na kita ng motor? May extra helmet naman ako..."

"Ah eh, hindi kasi ako sumasakay ng motor e..."

"Oh..." tumango-tango pa ito.

"Oo eh. Tsaka may dala naman kaming kotse... Salamat na lang... Sige, mauna na ko..."

Tumayo na si Bea. Tumayo din si Jake. Hinatid niya ito hanggang makalabas sila sa bar.

"Salamat nga pala... sa kwentuhan kanina..." nahihiyang sabi ni Jake sa kanya nang huminto sila sandali. "Nag-enjoy ako." Nilingon naman siya nito at ngumiti.

"Nag-enjoy din ako. Salamat din." Ngumiti ulit ito at lumingon sa left side niya tsaka binalik ang tingin sa binata. "Mauna na ko sayo... Bye!"

Tinaas ni Bea ang kamay niya ng bahagya bilang paalam sa binata at nagsimula ng maglakad pero hindi pa man siya nakakalayo...

"Ahm, Bea..." panimula nito. Nilingon siyang muli nito. "okay lang ba kung yayain kita minsan lumabas?" Mabilis na sinabi nito. Halata yung kaba sa pagsasalita niya. "Hindi na motor dadalhin ko. Hihiramin ko yung auto ng kapatid ko."

He was sincere, she can say. Lalo na nung in-assure siya nito na hindi motor ang gagamitin nila and to think na mag-eeffort siyang manghiram ng auto para sa kanya. He must really mean it.

"Okay." she simply said. Not much words to absorb and understand but that certainly made him happy.

"Talaga?" was all he said. Still in shock.

Tumango lang si Bea.

"Sige... Hinihintay na nila ko sa kotse..."

"Okay... Ingat ka..."

"Salamat."

Tumalikod na siya and started walking towards the white car on her left. Pinagmasdan niya lang ito hanggang sa makapasok siya at dahan-dahang umandar ito palayo sa lugar na kinatatayuan niya. He wanted to shout. Pero he managed to control himself. Sobrang saya niya ngayong gabi. Hindi niya akalaing mangyayari ang lahat ng yun sa loob ng isang gabi lang.

Samantala, si Bea naman ay hindi tinantanan ni Barbie sa kakatanong habang nasa biyahe.

"So what happened?" tanong ni Barbie. Her voice was a little bit playful.

"Anong sinasabi mo?"

"Anong nangyari at nawala ka na lang bigla tapos kasama mo na yung cute na singer na yun? Ha? Ha?" pangungulit nito. "Anong pangalan niya?"

"Jake."

She said calmly. Pinagmasdan niya lang si Barbie. Nung una, tumatango-tango lang ito pero ilang sandali pa nanlaki na ang mata nito tulad ng inaasahan niya.

"Woah? Don't tell me he's the same guy you've--"

"Yes." hindi na niya pinatapos si Barbie sa sasabihin niya. Ngumiti siya at parang kinikilig na ewan naman si Barbie sa sagot niya.

"Teka, teka... Hindi na ko maka-relate." sabat naman ni Ralph. "Ibig sabihin magkakilala na sila nung Jake before tonight?"

"Oo. Same guy she met at the cemetery." sagot ni Barbie.

"Ah, nakikipagkilala ka naman pala Bei. Good news yun ah." pang-iinis nito. Inirapan lang siya ni Bea at hindi pinansin.

"Shut up, babe. Don't ruin this." saway ni Barbie sabay hampas sa braso ni Ralph. Nilingon niya ulit si Bea. "So Bei, what happened? Bakit parang nagbago isip mo about him?"

"I don't know. I just realized he was a good man and he deserves a chance."

"O-kay. Teka, hindi ka naman lasing no?" paninigurado nito. Hindi niya kasi akalain ganun ang sasabihin ng pinsan niya. She was just not used on hearing those kind of statements from Bea.

Umiling lang si Bea as response.

"Well, good news nga talaga yan!" sambit ni Barbie.

"I told you, babe."

And they all burst with laughters. They just can't help it. Naaalala niya yung mga nangyari kanina and all she felt was those butterflies in her stomach. It was indeed a beautiful night. She finally admitted.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon