Chapter 21

967 49 17
                                    

Ilang buwan na rin simula ng manligaw si Jake kay Bea. Hindi lumilipas ang isang linggo na hindi lumalabas ang dalawa. At hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila nagkakausap. Madalas siyang dalawin ng binata sa bahay o di kaya ay sa opisina kung may pagkakataon. Dinadalan siya ng bulaklak, minsan naman ay mga pagkaing paborito niya. Sa araw-araw na lumipas ay mas lalong nagiging malapit sa isa't isa ang dalawa. Komportable na sila sa isa't isa na kahit si Bea ay hindi na naiilang sa kanya. Na labis namang kinatutuwa ni Jake.

"Talagang dumaan ka pa para lang dito ah."

Tukoy ni Bea sa kinakain niyang J.Co donuts na pasalubong sa kanya ni Jake. Halos kakauwi pa lang ni Bea sa bahay ng tawagan siya ng binata at tanungin kung nasa bahay na siya dahil nga balak nitong dalawin ang dalaga.

"Ikaw kasi naalala ko nung dumaan ako dyan e. Kaya naisip ko bumili."

"Sakto nga eh. Nagke-crave ako dito e."

"O di ba? Sakto ako. Galing ko talaga."

"Lakas maka-tsamba."

"Hindi ah. Naramdaman ko yun. Dito oh." tinuro pa niya yung kanang dibdib niya.

"Ang corny mo." natawa si Bea sa ginawa niya sabay tapik sa mukha nito para iiwas ang matang nakatitig sa kaniya. Natawa lang si Jake sa kanya.

Napatigil na lang sila nang bumukas yung pinto. Nilingon nila ito at nakita si Barbie na papasok.

"Barbz..." bati ni Bea sa pinsan niya.

"Hi, Barbie!" bati naman ni Jake.

"Uy Jake, nandito ka pala."

"Dumaan lang. Kain ka. May dala kong donuts." alok ng binata.

"Hindi na. Busog pa ko." simpleng sagot ni Barbie. "Akyat na ako."

Dire-direchong umakyat si Barbie sa taas at tiningnan lamang ng dalawa ito. Nang mawala na sa paningin ng dalawa ang dalaga, nagsalita naman si Jake.

"Okay lang ba siya?" nagtatakang tanong ni Jake. Hindi kasi siya sanay na makitang matamlay at malungkot si Barbie.

"Sa tingin ko hindi." sagot ni Bea habang nakatingin pa rin sa hagdan. Tapos humarap siya kay Jake. "Jake, okay lang ba na puntahan ko lang siya sa taas?"

"Sige, okay lang."

"Dito ka lang ah."

Tumango si Jake. Umakyat na nga si Bea at dumirecho sa kwarto ni Barbie. Bukas ang pinto kaya pumasok na siya.

"Barbz?" tawag niya nang hindi makita sa kama ang pinsan. "Barbz..."

"Bei..." pansin niya sa dalaga. Lumingon si Bea at nakita niyang palabas ng restroom si Barbie. "Umalis na si Jake?"

"Ah hindi pa. Nandun pa siya sa baba."

"O ba't iniwan mo?"

"Okay lang yun. Nagpaalam naman ako."

Tumango na lang si Barbie at matamlay na umupo sa kama niya. Umupo din si Bea sa harap niya.

"Barbz, may nangyari ba?" panimulang tanong ni Bea.

"Wala."

"Sigurado ka?" tumango lang si Barbie sa pinsan niya. "Nasan si Ralph?"

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon