Chapter 20

638 36 1
                                    

Pagdating nila sa table...

"Guys tara na." yaya ni Jake sa kanila. "Ralph, sundan niyo na lang kami ah."

"Sige, pre."

Lumabas na nga sila ng bahay at sumakay sa kotse. Si Jake ang nagda-drive sa unang kotse katabi si Bea habang nasa likuran naman si Kris. At si Ralph at Barbie naman ay nasa isa pang kotse.

"Hindi ba nakakahiya na umalis tayo dun? Pano na yung mga bisita mo?" tanong ni Bea kay Jake. Marami-rami pa rin kasi ang mga bisita doon sa bahay nila. Halos lahat mga pinsan at kamag-anak niya.

"Okay lang. Nakapagpaalam na naman ako tsaka alam na din naman nila yun." simpleng sagot nito.

"Every year laging ganun, Bea. Masanay ka na. Parang tradition lang." sabi ni Kris na medyo natatawa.

"Ok. Pero san ba tayo pupunta?"

"Sa part two..." sabay na sabi ni Jake at Kris, nakangiti pa ang dalawa.

After ilang minutes na biyahe, tinigil na ni Jake ang kotse at nagpark sa tapat ng isang bar, which is familiar kay Bea. Ilang sandali pa, na-realize niya na ito yung bar na pinuntahan nila nina Barbie at Ralph dati. Kung saan muli silang nagkita ni Jake at kung saan niya napagdesisyunan na bigyan ng chance ang binata.

Kasunod nila ang sasakyan ni Ralph na kasama si Barbie. Nagpark na rin ang mga ito at sabay-sabay na silang pumasok. Naunang naglakad si Kris at sinusundan naman siya ni Jake. Nakasunod naman sina Bea at Barbie dito at nasa likod lang si Ralph. Randomly, may bumabati kay Jake at Kris mula sa mga grupo ng lalaki sa iba't ibang table. May mangilan-ngilan ding babae na bumati. Konting kamustahan at apir, may ibang bumabati din sa kanya dahil nga sa birthday niya pero hindi sila nagtatagal sa isang place. Dumirecho si Kris sa isang maikling hallway at sumunod lang silang lahat sa kanya. Binuksan niya yung isang pinto at pumasok. Nilingon naman ni Jake sina Bea at pinaunang pumasok sa loob.

Pagpasok nila, nandoon sina Mike at Pau naghihintay sa kanila. Pinakilala lang ni Jake sina Bea sa dalawa tapos umorder na sila nb drinks. Mayrong couch na L-shape at doon sila naupo. May open window din, which is the easy access to the bar counter. They decided to stay here para meron silang kahit papanong privacy from the crowd out there. And it is surely a perfect place to stay with your small group of friends.

"Ayos dito ah! Big time ka bro!" sabi ni Ralph kay Jake habang komportableng-komportable sa kinauupuan niya.

"Actually pare, wala akong ginastos dito." kumunot ang noo ni Ralph nang hindi ma-gets ang sinabi ni Jake.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon