Chapter 19

963 52 8
                                    


After ilang minutes sa restroom, lumabas na din si Bea. She's feeling better. Nagpalamig lang talaga siya ng ulo. Tsaka sinabi sa sarili na baka tapos na naman mag-usap ang dalawa. Medyo matagal na rin siya dito buhat nang umalis at baka hinahanap na siya ni Barbie. Habang naglalakad, napatigil siya sa tapat ng aquarium.

"Parang di ko 'to napansin kanina..." mahinang sabi niya sa sarili. Pinagmasdan niya lang ito, hanggang sa makita niya yung isang picture frame na nakapatong sa isang side table sa tabi ng aquarium. Isang picture ng tatlong lalaki, of different ages.

"That was Kevin's 6th birthday, sa Tagaytay..."

Narinig niyang sabi, paglingon niya nakita niya ang mom ni Jake. Lumapit ito sa kanya at hinawakan yung frame.

"Yan si Miguel, their dad." tinuro niya yung lalaking nakaupo sa grass. "Si Kevin..." turo niya dun sa may hawak na baseball bat. "And ayun si Jake..." natatawang sabi niya. Sa picture kasi siya yung naka-wacky habang nasa likod ng dad niya. Natawa na lang din si Bea sa nakita niya. "Bata pa lang, kitang-kita mo na kung sinong pinaka-pilyo sa kanila."

Nakangiting tumango si Bea. "Si Jake."

"Tama. Pero sobrang sweet niyang batang yan. At sobrang bait. May times lang talaga na lumalabas ang kakulitan. Tulad sa picture na yan."

"Ang cute nga po e. Ang saya nila tingnan."

"Yeah." Tumango yung mom nina Jake. "Kaya isa yan sa pinakapaborito kong picture nila together. Pag tinitingnan ko kasi yan, naaalala ko yung saya nung araw na yun. Ang sarap balikan."

Ngumiti na lang si Bea at hindi nagsalita. Hindi niya rin kasi alam ang sasabihin dito.

"Ahm by the way..." panimula ng mom ni Jake. "May hinahanap ka ba or may kukunin ka?"

"Ah hindi po, nagpunta lang po ako sa restroom kanina. Pabalik na po sana ko nang mapansin ko tong picture."

"Why don't you stay here for a while? Dito ka na muna para makapagkwentuhan pa tayo. Okay lang?"

Nung una nag-aalangan si Bea pero pumayag din ito. "Sige po." Sinabi niya at ngumiti. Nagstay sila sa counter malapit sa kitchen.

"May gusto ka bang kainin? Or dessert, have some ice cream? Gusto mo?"

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon