Chapter 68

421 43 35
                                    

"Hindi kita mahagilap nung weekend ah. Busy?" Sita ni Kris kay Jake, matapos nilang makalabas sa conference room dahil kakatapos lang ng sunod-sunod na meeting nila.

Nagkibit-balikat lang si Jake. "Tara, lunch na tayo." Yaya na lang nito sa kaibigan at nagsimulang maglakad patungo sa elevator. Sumunod naman si Kris sa kaniya.

"May sinisikreto ka sakin ah." Sabi pa ni Kris sa kaniya.

"Wala." Tanggi naman ni Jake.

"Hindi nga, nasan ka nung weekend?" Pangungulit pa nito.

"Ang kulit mo pre. Bakit ba gusto mo malaman?"

"Bakit ba ayaw mong sabihin?" Balik na tanong naman ng binata.

Napailing na lang si Jake sa kakulitan ni Kris at medyo natatawa. Tila hindi talaga siya tatantanan nito dahil alam niyang may tinatago siya dito. Sakto naman bumukas na ang elevator at nakasakay na sila.

"Ano nga?" Ulit na tanong pa ni Kris sabay siko pa kay Jake.

Mukhang hindi talaga siya nito titigilan. Kaya pinili na lang niya sabihin.

"I was with Bea." Simpleng sagot ni Jake sa binata. Tila hindi naman nakasagot agad si Kris sa narinig niya, hindi niya yata inaasahan na yun ang sasabihin nito.

"Bea?" Pag-uulit pa ni Kris. Tumango naman si Jake. "Bakit?" Sunod na tanong nito.

"Nakipagkwentuhan lang."

Mukhang hindi naman kumbinsido si Kris sa sagot niya. "Kwentuhan?" Tanong pa nito.

Batid ni Jake ang judgment sa boses ng kaibigan ng marinig niya ang huling sinabi nito.

"Kris, wala akong ginagawang masama." Pauna na ni Jake.

"You can't blame me, ex mo yun."

"Kaibigan ko din siya."

"Alam ba yan ni Japs?"

"No. Hindi ko sinabi."

"See? Kung walang masama bakit hindi mo sinabi?"

"Ayoko lang na mag-isip siya ng kung anu-ano. Besides, there's nothing to tell. It was just plain catching up with a friend." Pagdidiin pa nito.

Nakita ni Jake na napailing lang si Kris. "Whatever pare. Payo ko lang sayo, kung mahal mo buhay mo, ngayon pa lang itigil mo na yang kalokohan mo."

Hindi na lang sumagot si Jake. Nanatiling tahimik ang dalawa hanggang sa makarating sa ground floor. Lumabas na ang dalawa sa elevator.

"Hey." Sabay na narinig ng dalawa. It was Japs and she was walking towards them.

"What are you doing here? You didn't say na dadaan ka." Sabi naman ni Jake dito na halatang nagulat sa pagdating ng dalaga.

"I wanted to surprise you." Sabay yakap naman sa nobyo. Hindi naman nakaimik si Jake. Humiwalay din agad sa yakap ang dalaga. "Bakit parang ang seryoso niyong dalawa?" Natatawang tanong pa nito nang mapansin ang reaksyon nila.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon