Chapter 22

543 38 1
                                    

Pagkaalis sa bahay nina Bea, hindi agad dumirecho si Jake sa bahay nila. Pumunta muna siya bar dahil tinext siya ni Kris na nandun daw siya. At dahil maaga naman siya nakaalis kina Bea ay sinabi na rin niya na makakapunta siya. Pagkarating niya ay agad na niyang nakita ang kinaroroonan ni Kris. Matapos magbatian ay naupo na rin siya sa kalapit na upuan. Umorder sila ng beer at pulutan.

"San ka galing? Akala ko nakauwi ka na kanina." tanong ni Jake kay Kris.

"Umuwi ako pero lumabas din ako kaagad dahil dumaan ako ng gym."

"Gym? Ano ginawa mo dun? Naghanap ng chicks?" pang-iinis ni Jake.

"Negative nga pre." umiiling na sagot ni Kris. Napatawa tuloy si Jake sa kaibigan.

"Haha. Wala bang tipo?"

"Meron naman, kaya lang negative talaga e. Kung hindi taken, suplada naman."

"Kulang ka siguro sa diskarte."

"Kung diskarte lang, magaling ako dun. Sadyang wala lang didiskartehan." pagmamayabang nito. "Tulungan mo nga ko maghanap."

"Yun ang mali mo pre."

"Alin?" pagtataka ni Kris.

"Alam mo kasi ang babae, di hinahanap yan. Kusang dumadating." paliwanag ni Jake. "In the right place, at the right time... Tingnan mo kami ni Bea."

"Woah! Kung makapagyabang ka kala mo sinagot ka na ah." sita nito sa binata.

"Haha. Sinasabi ko lang naman."

"Ahhh. So sinasabi mo, yung right place ay cemetery at yung right time ay yung bumabagyo. Ganun?" pilosopong sagot nito. Napailing na lang si Jake. "Samahan mo nga ko minsan dun, baka may mabingwit din akong isda dun."

"'Tado ka talaga."

"Yun yung sabi mo e."

"Ang sinasabi ko, maghintay ka. Hirap kasi sa'yo, hanap ka ng hanap. Kahit meron ka na, naghahanap ka pa rin."

Napakamot na lang si Kris sa sinabi ni Jake sa kaniya. May punto naman kasi ang kaibigan niya at inaamin niyang totoo yun. Sadyang ganun lang talaga ang ugali niya kaya wala siyang relasyon na tumatagal. Dahil tila naiipit na siya sa usapan nila ay pinilit niyang ibahin ang usapan. Na kinagat naman ni Jake kaya laking ginhawa niya.

Natigil na lamang ang dalawa sa kwentuhan nang may biglang tumapik sa balikat ni Jake. Nilingon niya ito.

"Oy Ralph." bati ni Jake sa binata. Binati din siya ni Kris at inalok ng alak. Nakisalo na rin si Ralph sa table nila.

"Buti naligaw ka dito." sabi ni Kris.

"Nagbabaka sakali lang na nandito kayo. Buti tama ang hinala ko."

"Bakit? Ano meron?" tanong ulit ni Kris.

"Problema e." malungkot na sagot nito.

"Kay Barbie no?" panimula ni Jake.

"Oo pre. Nagka-away kami e." sagot ni Ralph sabay lagok ng alak.

Tumango si Jake.

"Nandun ako kanina sa bahay nila nung dumating si Barbie. Malungkot. Nung kinausap ni Bea, umiiyak daw."

Napailing si Ralph sa narinig niya na tila nagsisisi sa nagawa niya.

"Kainis. Hindi naman dapat ganto 'to e. Hindi niya lang naintindihan. Dapat kasi ipinaliwanag ko ng maayos." gulong-gulong sabi nito.

"Pre, kung ako sa'yo kausapin mo na ngayon para maayos na kaagad."

Umiling si Ralph.

"Hindi papayag makipag-usap sa'kin yun dahil malamang galit pa siya sa'kin."

"Pano yan pre? Mahirap yan." sabi ni Kris.

"Kaya nga e. Kailangan ko kayo. Pwede niyo ba ko tulungan?"

Natahimik sandali si Kris at Jake pero pumayag din sa hinihiling ng kaibigan. Nagpasalamat naman si Ralph sa kanila at sabay-sabay nilang pinagplanuhan ang gagawin nila.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon