Chapter 29

1K 59 11
                                    

"...lalo na ngayon, nakilala na kita."

Nakita ni Jake na napangiti ang dalaga. At nung akmang magsasalita na ito ay pinutol agad siya ng binata.

"Oh, uunahan na kita... Hindi yun bola ah, seryoso ako dun."

Natawa si Bea sa kanya.

"Hindi naman yun yung sasabihin ko e."

"Ano pala?"

"Sweet."

"Sweet?" Pag-uulit ni Jake, medyo nagulat din kasi siya at gusto niya linawin ni Bea ang sinasabi niya tungkol dito.

"Sweet. That was sweet, yun ang dapat sasabihin ko KASO pinangunahan mo ko." Pagdidiin ni Bea sabay lakad pabalik ng sala. Tiningnan lamang siya ni Jake saglit tapos ay sumunod na rin.

Nagstay lang sila sa sala at nagkasundong manuod  ulit ng movie. They agreed to watch Safe Haven. Though medyo labag kay Jake dahil hindi niya gusto ang ganung kind ng palabas, pumayag na rin siya to be considerate sa dalaga. Halos puro pambabae kasi ang choice of movies ni Bea, kung hindi romcom, pure drama naman. Samantala natuwa naman si Bea sa kanya kasi kahit na alam niyang hindi totally agree si Jake sa movie na pinapanuod nila ay pinilit niya pa ring tapusin ito.

Actually, ilang beses na rin niya napanuod ang movie na yun. Kaya hindi na siya masyadong nagfocus. And truth be told, mas nag-enjoy siya tingnan ang mga reactions na sinasabi ng binata sa palabas.

After the movie, nagkwentuhan na lang sila. Pinakinggan ni Bea ang mga kalokohan na kinekwento ni Jake sa kanya. Sa totoo lang siya lang ang tanging nagke-kwento the whole time pero Bea didn't mind. Besides, nag-eenjoy naman siya sa mga sinasabi nito. Halata kasi sa binata na aliw siya sa ginagawa niya at tila nahahawa siya sa saya na dulot ng pag-ngiti ng binata. Hindi na nga siya halos makapagfocus sa sinasabi nito dahil lumilipad din ang isip niya. Alam niya kasi na may kailangan siyang gawin. Para kay Jake at para rin sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jake nang mapansing natahimik siya.

"Ha? Oo naman."

"Parang natahimik ka e."

"Ah, may naisip lang ako."

"Ano?"

Diretsong tanong ni Jake. Natigilan naman saglit si Bea. Hindi niya alam kung dapat na ba niyang sabihin o hindi. Pero nag-alangan pa rin siya.

"Wala yun. Wag mo na intindihin."

Tiningnan lang siya ni Jake habang nakakunot ang noo. Medyo na-weirdohan kasi siya sa kinikilos ni Bea. Pero hinayaan na lang din niya, ayaw naman kasi niyang maging weird din yung kasalukuyang atmosphere nila.

"Okay, sabi mo e."

Tila nakahinga naman ng maluwag si Bea at ngumiti sa binata. Ginantihan din siya ng ngiti nito.

"I'll just go to the restroom." Paalam ni Jake.

"Okay. Sure."

"Bibilisan ko lang." Sabi ni Jake na kinakunot naman ng noo ni Bea. Hindi niya kasi ma-gets kung bakit kailangan sabihin yun ng binata.

"Ha? Bakit?"

"Sabi ko, bibilisan ko lang."

"Okay. So?"

"Baka kasi ma-miss mo ko e, kaya bibilisan ko lang." Paliwanag naman niya sabay pa-cute sa dalaga. Natawa na lang si Bea sa kanya.

"Feelingero ka naman. Ewan ko sayo. Ang kulit mo."

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon