Chapter 79

332 32 40
                                    

Bea opened her eyes after she heard the door closes. She laid flat on her back when she's sure na wala na si Jake sa loob ng kwarto nito. She wasn't really asleep when Jake entered her room. Nagpanggap lang siya. Ayaw niya lang kasi ng confrontation. She's not good at it, especially at these times.

Gumising siya this morning feeling much better than last night. Wala na siyang lagnat at magaan na ang pakiramdam niya. She didn't imagine that a single phone call could ruin that easily. She's still in shock actually. Nung narinig niya yung boses ni Japs, instead of Jake's voice over the phone, her heart sank. She couldn't say a thing. Parang dinudurog yung puso niya with all the images forming on her mind nang malaman niyang nasa condo nito ang dalaga. It wasn't a pleasant picture to look at. And it's breaking her heart.

Napapaisip na nga siya kung ilang beses pa ba siya dapat masaktan bago maging okay ang lahat? Would all the pain be worth it soon? It would be. It should be. Sinasabi na lang niya sa sarili niya. She would like to believe that he's true to his promise. Kasi yun lang naman ang meron siya sa ngayon. Yun lang ang mapanghahawakan niya, ang pangako niya.

Bea heard the door open slowly again and saw Barbie.

"Bei, akala ko tulog ka?" Pansin agad nito nang makitang gising siya. Hindi naman siya sumagot sa halip bumangon siya at umupo sa kama. "Kakaalis lang ulit ni Jake. Bumalik siya kasi nakalimutan niya yung phone niya." Sabi pa nito.

"Alam ko." Pag-amin niya. Medyo napakunot naman ang noo ni Barbie dahil sa sinabi niya.

"Alam mo? You mean gising ka the whole time he's here?" Tumango si Bea. "Nagtulog-tulugan ka lang? Why?"

"Wala lang."

"Anong wala lang? Pwede ba yun." Reklamo naman ni Barbie. "Come on tell me."

"Wala nga lang." Simpleng sagot ni Bea.

"Yan ka na naman e, may hindi ka na naman sinasabi."

Pero hindi na ito sinagot ni Bea, sa halip iniwas niya ang tingin sa dalaga at nilipat sa dala-dala nito.

"Ano yan?" Tanong ni Bea.

Napabuntong hininga na lang si Barbie dahil mukhang hindi niya mapapaamin ang pinsan. "Breakfast mo." Sagot na lang niya. "Kailangan mo daw uminom ulit ng gamot ng 9am sabi ni Jake kaya umakyat na ko para sana gisingin ka at makakain. Kaso gising ka naman pala." Sabi pa nito sabay abot sa dalaga nung bed table. "Kumain ka na ah. Bababa lang ako."

"Hindi ka ba papasok?"

"Papasok ako. Pero magluluto lang ako ng lunch mo. Baka tamarin ka kumain e." Barbie answered.

"Wag na. Male-late ka pa." Bea protested.

"Anong bago dun?" Biro naman ng dalaga at ngumiti. "Sige na kumain ka na dyan, tapos uminom ka ng gamot mo ah. Dito lang ako sa baba."

Bea nodded then Barbie left her in the room. Sinunod niya nga ang dalaga at kumain na siya. Then after, uminom ulit siya ng gamot kahit na normal na ang temperature niya. Just to be sure.

After a while, binalikan siya ni Barbie sa kwarto niya. Paalis na ito at kailangan ng pumasok.

"Alis na ko. Kumain ka on time ng lunch ah. Tapos uminom ka ng gamot, last na yun." Paalala ni Barbie sa kaniya. Bea nodded while still lying on her bed. "Okay ka lang ba talaga?"

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon