Chapter 83

399 29 25
                                    

"Ma, alis na po ako." Paalam ni Jake sa kaniyang ina.

"Okay sige. Hinihintay ka na ng kuya mo sa labas." Tumango lang si Jake at lumapit para bumeso sa ina. "Ingat ka."

"Opo." Sagot niya dito. Nginitian naman siya ng matanda. Lumabas na siya ng bahay at nakita niyang nasa loob na ng sasakyan si Kevin, waiting for him.

He opened the door in the backseat to put his bag. "Yayain mo sa grad ball niyo. Small step but she'll get the hint for sure." Narinig ni Jake na sinabi ni Kevin pagpasok niya sa sasakyan kaya napalingon siya dito. "Si Caloy." He mouthed to him, then point to the phone on his hand. Jake just nodded. Tapos ay sumakay na siya sa tabi nito and put a seatbelt on. "Tara na?" Kevin asked out loud. Tumango lang ulit si Jake.

"Huh? Anong 'tara na'?" Tanong naman ni Caloy over the phone, confused sa sinabi ni Kevin.

"Sorry, hindi ikaw. Si Jake kausap ko." He explained and put him on speaker so he can start the engine.

"Nasa sasakyan ba kayo? San lakad niyo?"

"Oo, ihahatid ko lang si Jake sa airport. Naka-loud speaker ka." Sabi pa ni Kevin tapos ay nagsimula na siyang magdrive.

"Airport? Saan ka punta, Jek?"

"Boracay." Jake answered.

"Oh ayos ah. Kasama mo si Bea?" Napalingon naman si Kevin sa kapatid nang marinig ang tanong ni Caloy dito.

"Hindi." Matipid lang na sagot ni Jake at umiwas ng tingin.

Magsasalita pa sana si Caloy kaso inunahan na siya ni Kevin bago pa nito kulitin ang kaniyang kapatid at dahil batid niyang wala ito sa mood magpaliwanag ngayon.

"Caloy, mabalik tayo sa problema mo, iniiba mo yung usapan e."

"Wala akong problema no." Tanggi naman nito agad.

"Wala kang problema. Sakit lang pala." Pang-iinis pa ni Kevin sabay tawa.

"Anong sakit sinasabi mo?"

"Pagka-torpe. At mukhang malala na."

"Hindi ako torpe. Hindi nga kami talo. Kaibigan lang ang turing niya sakin. Alam ko yun." Paliwanag nito. Tila na-gets naman agad ni Jake ang topic ng dalawa pero nakinig lamang ito.

"Alam mo? Bakit sinabi ba niya sayo?" Kevin asked.

"Hindi."

"Hindi naman pala e. You're just clearly making reasons out of fear." Sabi pa ni Kevin. "Alam mo kung puro takot yung papairalin mo, walang mangyayari. Ang ending, hanggang magkaibigan na lang talaga kayo."

"Okay lang." Mabilis na sagot naman ni Caloy.

"Okay lang sayo? Sigurado ka? Then why are we having this conversation right now?" Tanong pa ni Kevin. Hindi naman sumagot si Caloy.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon