Chapter 47

585 53 26
                                    

Later that night. Sa bahay nina Bea at Barbie.

"Hey, san ka galing?" Bungad kay Bea ng pinsan niya pagkapasok niya ng pinto. Medyo late kasi siya nakauwi dahil nag-overtime siya at kumain pa bago umuwi.

"Dyan lang. Sa mall."

"Anong ginawa mo?"

"Kumain."

"Sayang, may uwi pa naman akong pasta. Di ka na talaga kakain?"

"Tabi mo na lang. Kainin ko bukas."

"Okay."

Then, narinig niyang nagring yung phone niya kaya dali-dali niyang kinuha iyon sa bag niya. At saka na-realize na hindi pala sa kaniya yung tumutunog.

"It's mine." Narinig niyang sabi ni Ralph na galing sa may kusina. Tsaka nito sinagot ang tawag.

Napalingon naman sa kaniya si Barbie at nakitang nanlumo ang dalaga sa pagkadismaya.

"Si Mike." Sabi ni Ralph pagkatapos ng tawag. "Hinihintay na nila tayo."

"Anong meron?" Tanong naman ni Bea sa kanila.

"Ini-invite nila tayo." Sagot ni Barbie. "May live audition ng mga banda sa bar. Di mo ba natanggap yung text ni Pau?"

"Ah yeah. I remember." Pag-alala niya. May event nga pala sa bar, big event yun for the bar since puro djs lang ang naririnig na tumutugtog dun at first time nilang i-try maghire ng band to perform. So Mike and Pau invited their friends para tulungan sila magdecide which band to get na alam nilang papatok at makakatulong sa popularity ng bar.

"So, tara na. Hinihintay na nila tayo."

"Kayo na lang siguro." Pagtanggi ni Bea at lumakad na paakyat ng hagdan.

"Why?"

"May kailangan pa kong tapusin. Ikaw na bahala magsabi sa kanila." Sinabi ni Bea ng hindi lumilingon sa kanila.

Pero narinig nilang tumunog ang landline nila. Napatigil si Bea sa pag-akyat at hinintay sagutin ni Barbie ito. Hoping na yun na ang hinihintay niyang tawag mula sa nobyo. Pero saglit lang, binaba na rin ito agad ni Barbie.

"Sino yun?" Tanong niya sa pinsan niya.

"Di ko alam. Wrong number e."

"Okay. Akyat na ko." Sabi na lamang niya tsaka tinuloy ang pag-akyat. Nagkatinginan na lang sina Barbie at Ralph.

After half an hour, paalis na sina Barbie. Pero bago siya bumaba, dumaan muna siya sa kwarto ni Bea.

"Bei..." Tawag nito sa dalaga. Nakabukas ang pinto kaya hindi na siya kumatok. Pumasok siya at nakita niya si Bea na nakatayo sa gilid. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya dito at lumapit ng kaunti sa dalaga. Napaharap ito sa kaniya.

"Wala. Just browsing some photos.".

Napatingin naman si Barbie sa likuran nito na kanina ay natatakpan ng dalaga. Nakita niya yung rack na punong-puno ng mga alaala ni Rick.

"Di ba tinago mo na 'to dati?" Pagtataka niya.

"Yeah."

"Bakit nandito na 'to ulit?"

"Wala lang. Gusto ko lang." Simpleng sagot ng dalaga. Nanatiling nakatingin sa dalaga na parang binabasa ito. Busy naman si Bea sa pagtingin sa photo album na hawak niya.

"Kelan pa?"

"Tagal na. Three weeks na siguro. Ngayon mo lang ba napansin yan?"

Napatango nang dahan-dahan si Barbie. Gusto pa sana niyang tanungin ulit ito kung bakit yun nandun at gusto niyang makarinig ng maliwanag na explanation pero feeling niya, wala siya sa lugar para kwestyunin pa yun.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon