Chapter 8

1.3K 53 5
                                    


All day long I could hear
people talking out loud,

But when you hold me
near you drown up the crowd,

Try as they may
they could never define

What's been said between
your heart and mine...

Bea was left on their table smiling while listening to the music. Naiwan siya mag-isa dito matapos makabalik ni Ralph sa table nila at umalis din kasama si Barbie para yayaing sumayaw. She didn't bother. Masyadong pre-occupied ang utak sa dami ng naiisip niya. Memories flashing. Lahat ng pinakapaborito niyang nangyari sa buhay niya ay tuloy-tuloy na nagpe-play sa utak niya. It was the song. It triggers them all. Though at the back of her mind, she was aware na si Jake ang pinanggagalingan ng boses na pinapakinggan niya, it didn't matter. And she had to admit that it somehow made her feel better towards him. Hindi dahil feeling niya hindi mabuti si Jake pero dahil there's something na distinct sa kaniya in some way, hindi niya pa nga lang yun alam in particular.

I should give him a chance. Maybe he's not like the others. She thought.

======
======

"🎶The smile on your face let's me know that you need me. There's a truth in your eyes, saying you'll never leave me. The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall... You say it best, when you say nothing at all...🎶"

Natapos na ang kanta. Nagpalakpakan ang mga tao. Nagpasalamat si Jake at bumaba na ng stage. Sinalubong siya nina Mike at Pau.

"Walang kupas, pre. Pambato ka pa rin."

"Hindi na no. Pinagbigyan ko lang kayo."

Napatawa ang magkasintahan sa sinabi ni Jake.

"Salamat Jake!" sabi ni Pau sa kanya.

"Wala yun. Sige, balik na ko kina Kris."

Tinanguan lang siya ni Pau at tinapik naman ni Mike ang balikat niya. Naglakad na nga siya pabalik sa table nila. Hindi pa man siya nakakalayo sa stage, nakita niyang muli si Bea. And this time, si Bea ang unang nag-approach sa kanya.

"Bea?" sambit niya pagkakita sa dalaga. Ngumiti ito sa kanya.

"Ang galing mo kumanta ah. And nice song."

"Salamat. Narinig mo pala. Akala ko... sabi mo kasi... aalis na kayo..."naguguluhang tanong nito sa dalaga. Nakangiti pa rin sa kanya ito.

"Ahm, actually sa tingin ko we'll stay a little longer."

Nakangiting sagot ni Bea. Napatango naman si Jake at napangiti din sa dalaga. Saglit na natahimik ang dalawa habang nakatingin sa isa't isa.

"Ahmm..." panimula ni Jake. "So... Can I buy you a drink?"

"Yeah, sure."

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon