Chapter 53

599 57 33
                                    

The next day, Jake woke up feeling a little lightheaded. Napatingin siya sa paligid at tsaka niya na-realize na nasa hospital siya. He tried moving pero naramdaman niya ang pananakit ng katawan niya at sumabay pa ang ulo niya. Wala naman siyang seryosong natamong injury maliban sa mga pasa niya sa mukha at sa katawan, and the doctor said that he's going to be fine. Nag-alala lang talaga yung mga kaibigan niya dahil nga nawalan siya ng malay kaya dinala siya sa hospital. Pero ang sabi, dahil lang yun sa sobrang kalasingan niya.

He saw her mom sa couch katabi si Kris. She was reading a magazine habang si Kris naman ay nakapikit habang nakapatong ang ulo niya sa kamay niya na nakadantay sa side ng couch.

"Ma?" he called.

Sabay namang napatingin ang dalawa sa kaniya. Nilapag ng mama niya ang magazine na binabasa at lumapit sa kaniya. Sumunod din si Kris.

"Jake, buti naman gising ka na. Okay lang ba pakiramdam mo?"

"Okay lang po ako, ma."

"Ano bang nangyari sayo? Bakit ka naman nakipag-away?" Nag-aalalang tanong nito sa anak. "Tingnan mo yang itsura mo... puro ka pasa."

"Sorry ma. May nakainitan lang sa bar. Di na po mauulit."

Napatitig na lang ang mama niya sa kaniya. At batid ang di maalis na pag-aalala nito para sa anak.

"Sorry Ma." He said again, sincerely.

"It's okay. I'm just glad na okay ka lang."

Tapos ay ngumiti ito sa binata. Inalok siya nito na kumain at pumayag naman siya. Kaya umalis muna ang mama niya para bumili ng makakakain. Naiwan naman si Kris na kasama ni Jake sa kwartong iyon.

"Buti naman naaalala mo yung nangyari kagabi." Sabi ni Kris kay Jake nang makaalis ang mama nito.

"Sorry pare, nadamay ka pa." Paumanhin naman nito sa kaibigan. May pasa rin sa mukha si Kris kaya alam niyang di siya nito iniwanan kagabi.

"Okay lang yun." Sabi naman ni Kris sa kaniya.

Saglit na natahimik ang dalawa. Napansin naman ni Kris na palingon-lingon si Jake na tila may hinahanap.

"Bakit?" Tanong niya dito.

"Pre, si Bea?" Balik naman niyang tanong sa kaibigan.

Napakamot naman ng ulo si Kris sa tanong niya.

"Bea na naman. Kaya tayo napapaaway dahil sa kaka-Bea mo e." Saway ni Kris sa kaniya.

Hindi naman pinansin ni Jake ang sinabi nito.

"Seryoso kasi. Nasaan siya?"

"Wala siya dito. Feeling mo naman porket nasa hospital ka pupuntahan ka niya."

"No. Cause I saw her. Sa bar. She was with me before I passed out."

Nagtaka naman si Kris sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo? Pano naman siya mapupunta dun?" Sabi pa ng binata.

Napakunot naman ng noo si Jake.

"She was there. She even asked me if I was okay." Paliwanag naman niya.

Umiling naman si Kris.

"Hindi si Bea yun. It was Japs who helped you."

"Japs? Sinong Japs?" Pagtataka naman ni Jake.

"Si Japs, yung bokalista kagabi sa bar."

Napakunot lalo ng noo si Jake at hindi magawang paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon