Chapter 61

498 53 51
                                    

The first few days simula ng makabalik si Bea sa Pilipinas, inubos niya ang oras niya unpacking her things. Putting them back in her dresser and rearranging her room. She wanted it to look different. Inayos niya rin yung mga boxes na pinaglagyan niya ng mga memories nila ni Rick na kinahon niya noong bago siya umalis ng bansa. Finally, she decided to keep those boxes in the storage room. There's still a little sadness but she knows that she's doing the right thing.

"Hey!" bati ni Barbie sa kabilang linya pagkasagot ni Bea ng tawag nito.

"Hi Barbz!"

"Kamusta? Any plans today?"

"Wala masyado. Pero I'm thinking about swinging by the Garden. Bisitahin ko lang si Rick. It's been a while na rin."

"Oh okay. What about later?"

"I don't know yet. Ikaw, may lakad kayo ni Ralph?"

"Ralph will be home late . May pupuntahan siyang stag party. You want me to come over?"

"Sure. Sige. Magluluto na lang din ako."

"Oooh. I like that. Derecho ako dyan from work."

"Sige."

"Alright. See you later."

"See you. Bye."

After ng call, Bea just did some errands around the house. And during afternoon, nagready na siya para pumunta nga sa cemetery tulad ng sinabi niya kay Barbie. She took an uber to drop her at the Garden and bought flowers on the way.

Habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Rick, napansin niya na may bagong libing few blocks away kaya dumaan muna siya dito. She grabbed a handful of flowers from Rick's and left it on the newly made grave like what she always do. Then, she immediately left. Pero bago siya makarating sa puntod ni Rick, nag-iba siya ng way at tinungo ang puntod ng Papa ni Jake. Nang makalapit siya dito, pansin niya na maraming bulaklak ang nakalagay dito na tila ilang araw pa lang nang mailagay doon. Napansin niya ang petsa sa puntod nito at na-realize na birthday pala nito two days ago kaya siguro maraming bulaklak dito. Nagstay lang siya saglit dito kasabay ng pagmamasid sa paligid sa pag-asang makikita niya si Jake sa pagkakataong ito. Pero wala siyang nakitang bakas ng binata. Nagpasya na siyang umalis pero bago siya lumakad palayo, kumuha siya ng isang bulaklak mula sa dala niya at iniwan ito sa puntod ng ama ng binata.

"Hey." bati nito kay Rick ng marating niya ang puntod nito. "Still remember me?" nakangiting tanong niya habang nakatingin sa litrato ng namayapang nobyo. "I know it's been a while. Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw."

Pagkasabi niya nun, kinuha niya yung dala-dala niyang cloth at nilatag iyon sa may damuhan at saka siya naupo. 

"Question." panimula niyang muli. "Yung langit ba dito sa Pilipinas pareho ng langit sa US?" Natahimik siya na tila naghihintay ng sagot. Napatingala siya sa langit at nakitang namumuo ang maraming ulap sa pagkakataong iyon. Napangiti lang siya sa kaniyang naiisip at saka binalik ang tingin sa nakangiting binata. "Sorry, sobrang random. Natanong ko lang naman kasi if pareho lang sila, I'm sure alam mo rin kung ano nangyari sa akin doon. For sure, nakita mo rin." Napangiti siyang muli. "Pero gusto ko pa rin ikwento sayo lahat. Okay lang?"

Nagsimula na ngang magkwento ang dalaga tungkol sa mga nangyari sa loob ng anim na buwan na nasa US siya. Nasanay rin kasi siya na ginagawa ito. There's something about talking to Rick that always made her feel calm and relaxed. Ang binata lang kasi ang laging matiyagang makinig sa mga kwento niya noon.

"Liam knows everything about me." pahayag pa niya ng mabanggit niya si Liam. "Kahit saglit pa lang kami magkakilala, naging malapit na rin kami. Siya yung naging bestfriend ko sa US. Mabait siya. You'll like him too. Sa tingin ko nga, mas gusto ka pa niya makilala kaysa sa akin dahil sa mga kwento ko tungkol sayo e." Napahinto si Bea at napatawa. "Loko talaga yun. Pero maaasahan siya, sobra. Siya nga yung nagpush sa akin para bumalik ako dito." sabi pa niya. "Push oo. Pinilit niya ko. Alam naman kasi niya yung totoo."

Napatahimik muli si Bea dahil sa iniisip niya si Jake.

"Alam mo, may sinabi siya sa akin na totoong nagpakumbinse sa akin na tama yung desisyon kong magbook ng flight pabalik dito. Alam mo kung ano yun?" Tumigil siya saglit at bumuntong-hininga. "He asked me this question, 'Sa tingin mo bakit, of all places, sa cemetery pa kayo nagmeet ni Jake?' Napaisip ako nun at natawa. Bakit nga ba? Then, he answered me, 'kasi he wanted you to meet him'. You wanted me to meet him." Paglilinaw pa niya. "As ridiculous as it may sound, napaniwala niya ko. Hindi ko alam if it's because I know you too well that I know you are capable of doing that just to make me happy... Or maybe I was just agreeing to things that could gave me enough hope para maniwala na pwede pa kami."

There was a silence. At ramdam mo ang lungkot sa paghinga ni Bea.

"Sa tingin mo Rick? Kasi honestly, I would like to think that way too. Na you planned it for me. Na ikaw yung gumawa ng way para magmeet kami kasi you wanted me to be happy. And you're right. Tama ka naman, I became happier. Kaso I took it for granted. I let you both down, you and Jake. I'm sorry."

"And ngayon, nandito na nga ko sa Pinas, hindi ko naman alam kung paano ko siya makakausap ulit. If only I were here two days ago, nung birthday ng dad niya, siguro nakausap ko na siya. Kaso I made a poor choice of locking myself in my room and I missed the chance again." 

Napailing na lang si Bea, regretting her choices. And she hate what she's feeling right now. She hate having regrets. But she can't seem to take her mind off of it.

"Rick?" she said after a while. "I know this is crazy to ask but I'm really out of options so I'm gonna do it anyway. Just this one thing. I promise after this ako na lahat gagawa ng paraan." Dere-derechong sabi niya dito. "Would you do me a favor? I don't know how you can do it. I don't know if this is even possible. Pero... pwede bang pagkitain mo ulit kami?" Nahihiyang sambit nito sa puntod ng yumaong nobyo. At saka natahimik.

Alam niya na walang paraan para marinig niya ang sagot ng binata pero naghintay pa rin siya dito. Hanggang sa napangiti na lang siya.

"Come on Rick. Alam ko natatawa ka na sakin. But I did warn you this was crazy. Pero hindi pa ko nababaliw, wag ka mag-alala." Biro pa niya. Pero agad din nagseryoso. "Please Rick, I just really want to see him." she said sincerely.

She was then quiet for some time. Halos occupied ng mga iniisip niya. Hindi na halos niya namalayan ang tuluyang pagdidilim ng langit at ang nagbabadyang ulan.

Hanggang sa napansin na lang niya ang maliliit na patak ng ulan sa ibabaw ng bulaklak na nakapatong sa puntod ni Rick. At sa bawat segundo ay tila mas lumalakas ito. Kaya agad siyang tumayo at tinungo ang pinakamalapit na pwede niyang silungan. Luckily, bukas ang chapel at pwede siyang magstay dito hanggang tumila ang ulan.

Naupo siya sa may bandang unahang upuan habang tinutuyo ang sarili niya. May mangilan-ngilan ding tao sa loob na katulad niya ay nagpapatila rin ng ulan.

Naririnig niya yung iba na nagrereklamo dahil mas lalo pa daw lumakas ang ulan. Pansin nga ang paglakas lalo ng hangin na dama maging sa loob ng chapel na iyon.

Kaya she decided to send Barbie a message para magpasundo. Nang makuha niya ang cellphone sa bag niya and was about to type the message, may narinig naman siyang tumawag sa pangalan niya.

"Bea?" She heard that familiar voice. And she froze for a second, hindi makapaniwala sa narinig niya. Pero agad din siyang tumayo at hinarap ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

And she knew it.
She knew she was right.

It's him.

"Jake..." Nakangiting bati niya sa binata.

==================
To be continued...

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon