Chapter 107

229 25 10
                                    

"Good morning, Mom." Bea greeted her mom when she found her in the living room.

"Good morning, anak. Haba ng tulog mo ah." Bati nito sa kaniya. "Are you feeling alright?"

"Okay lang naman po. Putol-putol lang ang tulog ko kagabi, ang kulit kasi ni baby. And I had to go to the bathroom a few times last night." Kwento ni Bea.

"Yan nga din ang sabi ni Jake, kaya di ka na namin ginising para sumabay magbreakfast para makapagpahinga ka pa."

Napalingon naman si Bea sa paligid sa pagkabanggit ng pangalan ni Jake. Hindi niya kasi ito naabutan sa kwarto nila ng nagising siya.

"Speaking of, where is he, Mom? Wala na siya sa room when I woke up." She asked.

"Umalis na, kani-kanila lang. May kailangan daw siya tapusin sa office."

"Office po? Akala ko wala na siyang pasok ngayon."

"Biglaan nga daw, pinapasok siya bigla. He said he needed to finish something important."

"Oh okay po." Bea nodded.

"Hindi ka ba naitext?"

"I'm not sure. Hindi pa po ako nagche-check ng phone e."

"Pabalik na rin siguro yun."

"Okay po."

"Kumain ka na ng breakfast, then maybe you can go back to bed and rest after. I heard that may lakad kayo ni Jake tonight." Banggit pa ng matanda.

"Opo. We're going to a dinner party."

"Yeah, he mentioned that." Nakangiting sagot naman ni Carina.

"Umalis din sina Dad?" Tanong niyang muli.

"He brought Andrew to the park so he could play soccer." Sagot naman nito. Tumango-tango lang si Bea. "Sige na, kumain ka na muna. Para makapagpahinga ka pa."

"Akyat lang po ako saglit, check ko lang po yung phone ko. Then, kain na po ako after." Sabi naman niya.

"Sige, I'll have Gina prepare your food."

"Thanks po."

Umakyat na nga si Bea sa kwarto niya at agad kinuha ang phone niya. Nakita niya ngang may ilang messages si Jake para sa kaniya.

[Hi, mahal. I have to go to the office today, may kailangan lang tapusin. Hindi na ko nakapagpaalam kasi ayoko istorbohin yung tulog mo. Anyway, I'll be back after lunch. I love you! Text me after you read this.] Sent 8:36am

[Still sleeping? Pinuyat ka talaga ni Bela kagabi no? I can imagine. Sige lang, pahinga ka muna mahal. I love you!] Sent 9:41am

[I love you!] Sent 10:10am

Napangiti naman si Bea matapos mabasa ang mga text ni Jake sa kaniya. She immediately sent a reply to him after.

[Hi mahal, kakagising ko lang. Good morning!]

She replied. And after a few minutes, nagri-ring na ang phone niya dahil tumatawag na si Jake sa kaniya. Sinagot naman niya agad ito.

"Hello."

"Hi mahal, good morning." Masayang bati ni Jake sa dalaga. "How are you feeling?"

"I'm good."

"Nabasa mo yung texts ko?"

"Yup, ngayon lang. Busy ka pa?"

"Medyo. Pero malapit na 'to matapos. Uwi din ako agad after nito."

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon