Chapter 48

669 53 45
                                    


Today was Bea's birthday. She took the day off from work as well as Barbie to help her on her dinner party with some relatives and friends. Palagi naman nilang ginagawa ang ganitong celebration kaya alam na rin nila kung anu-ano ang mga dapat asikasuhin. Just after they finished eating lunch, she received a video call from her father. She stayed sa room niya to answer the call.

"Hey Dad!" Masayang bati niya across the screen.

"Happy birthday, sweetheart!"

"Thank you po!" Napansin naman niyang pamilyar ang kurtinang nasa likod ng ama niya. "Dad, are you at Mom's?"

"Yeah, nasa kitchen lang siya. She'll be here in any minute."

Tumango na lang si Bea at tila natuwa siya sa nalaman niya. Masaya kasi siya na kahit papano walang natirang ilangan sa pagitan ng mga magulang niya kahit na may sari-sarili na silang buhay.

"By the way..." Her father said. "Andrew got something for you." Pinakita nito sa camera yung birthday card na ginawa ng half-brother niya for her.

"Wow..." Nasabi na lang ni Bea. She was actually touched sa card na ginawa nito for her.

"He did this all by himself after school. Kaya lang late na kasi dito kaya hindi ko na pinasama tonight. You know how awful the weather down here right now." Paliwanag ng ama niya.

"I know. It's okay, Dad. Just tell him I said thank you for the card. And that I miss him too."

"I will." He said smiling. "Anyway, sorry we can't be there on your birthday sweetheart."

"Okay lang po yun. It's no big deal. Alam ko naman pong busy kayo dyan."

"Anak ko talaga. Baka naman hindi mo na talaga kami kailangan kasi may iba ng nag-aalaga sayo dyan." Biro nito sa kaniya.

"Dad!!!" She exclaimed right away.

"Why? Hindi ka ba inaalagaan ni Jake? Naku, lagot sa akin yang batang yan."

"Daddy talaga..."

Natawa na lamang ang Daddy niya sa reaksyon niya.

"Hahaha, binibiro lang kita. Para kasing malungkot ka eh. Birthday na birthday mo e, you should have fun."

"Masaya po ako syempre. Lalo na ngayon nakausap ko po kayo."

Napangiti ang Papa niya sa sinabi niya.

"I miss you anak."

"I miss you too, Dad."

"Oh, bakit ang lungkot yata ng usapan niyong mag-ama?" She heard her mom's voice in the background.

"Eto na pala ang Mama mo."

Umusog pa-gilid ang Papa niya para makaupo sa tabi nito ang dating asawa at parehong makita sa camera. May dala itong chocolate cake na may kandila.

"Hi Mom..."

"Hi, anak. Happy birthday!"

"Thank you po."

"Naku, mukhang masarap 'tong binake ng Mama mo ah." Hirit ng Papa niya pagkakita sa cake na dala ng Mama niya.

"Oo nga Dad e, paborito mong flavor. Ikaw lang kasi malamang kakain niyan e."

"May bago pa ba? Siya naman talaga taga-kain ng mga cake tuwing birthday mo e, di ba?" Dagdag pa ng Mama niya.

"Tama." Pagsang-ayon ni Bea sa ina.

The Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon