“Umamin ka na kasi! Ligawan mo na habang single pa siya.”
Pambubuyo ng mga kabanda kong ungas. Kung makapagsalita ‘tong mga ‘to parang ganun lang ka-simple at kadali umamin.
“Patawa kayo. Eh kung kayo kaya ang nasa lugar ko, makaamin kaya kayo?” tanong ko sa kanila habang inaayos ko yung gitara ko.
“Tsk. Tol naman kasi. Wag mo ng pairalin yang pagkatorpe mo.” Sabi ni Miggy sa akin sabay akbay. “Kung di mo talaga kayang sabihin ng diretsahan e di iparamdam mo na lang sa kanya.”
“Gamitan mo ng mga the moves.” Nakangising sabi naman ni Carl.
“Ewan ko sa inyo. Papasok na ako. Bahala na kayo mag-ayos dyan.” Sabi ko sabay sabit nung bag ng gitara sa likod ko at umalis.
“Haay. Ang torpe mo talaga tol! Kaya NGSB ka pa rin hanggang ngayon!” pahabol nila pero di na ako kumibo.
Wala namang kinalaman ang pagiging NGSB ko sa feelings ko para kay Nadine. Kung susundin ko yung mga mokong na yun at umamin ako kay Nadine, siguradong magiging komplikado ang lahat. Baka nga masira pa ang pagiging mag-best friend namin pag nagkataon.
Tatanungin niyo kung bakit masisira? Simple lang, dahil one-sided lang ‘tong ‘lang hiyang feelings na ‘to. Baliw na baliw kasi si Nadine dun sa Gian Kenneth Yap na yun. Kulang na lang nga e literal siyang mangisay sa sobrang kilig kapag kinukwento niya sa akin yung mga moment daw nila nung lalakeng yun.
Nakakainis na nga paminsan dahil lage na lang niyang bukambibig yung lalakeng yun. Kahit kami ang magkasama pangalan pa rin niya ang laman ng bibig ni Nadine. Pang-asar lang diba. Tapos ine-encourage pa ako nung mga kumag kung kabarkada na ligawan ko na daw. E di pa nga ako nakakaporma lasap na lasap ko na ang pagkabasted.
“—aolo!” narinig kong sigaw galing sa likuran ko. Naknang! Matapos kong mag-emote, magpapakita na agad siya. Si Nadine pala at mukhang nagka-moment na naman sila nung Gian na yun, laki ng ngiti e.
“O, bakit? Me kelangan ka dre?” tanong ko sa kanya habang inaalis ko yung earphones ko.
“Wala naman dre. Tagal mo lumingon. Kanina pa kita tinatawag, lutang ka ba?” tanong niya. Ipinakita ko lang sa kanya ang earphones ko na naka-full volume ang kanta. “Aaah. Sabi ko nga. Likana sabay na tayo pumasok sa Philo.”
Naglakad na uli kami papunta sa classroom.
“Laki ng ngiti mo ah, si Gian na naman ba?” tanong ko pa. Masokista ata ako e. Di siya agad nakakibo pero halata yung paglaki pa nung ngisi niya. Takte.
“Ininvite niya kasi ako manood ng game nila mamaya e.” nagba-blush niyang sagot sa akin.
“Ganun? Di ayos. Yan ang gusto mo diba.” Ako na talaga ang masokista. Mukhang kelangan ko atang malasing mamaya pampatanggal sakit lang. Sakit e.
“Excited nga ako e. Dre sama ka.”
“Di ako pwede. Me practice kami mamaya.” Palusot ko na lang sa kanya. Masokista ako, siguro, pero di ko na ata kaya pag harap-harapan na.
Ewan kung bakit pero wala akong gana makinig sa lesson ngayon. Bukod sa boring ang subject, wala talaga ako sa mood ngayon. Pinapaikot ko lang yung ballpen sa daliri ko. Wala ngang laman ang notebook ko. Si Nadine naman, busy sa pagte-takedown ng notes. Palibhasa, inspired.
Bakit pa kasi ako na-develop kay Nadine? Mas madali siguro kung di ko siya naging best friend e.
Inilabas ko yung gitara ko. Tapos na ang klase e. Nagmi-meeting na lang yung iba naming kaklase. Tumugtog ako. Nag-jamming muna kami nung iba kong kaklase. Tinugtog ko yung chords ng Runaway. E sa wala akong maisip na ibang kanta.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.