Bumuntong-hininga na lang ako. “Sorry Nadz. Di ako magaling sa mga ganitong message-message e.” sabi ko sabay hawak sa batok. Rinig ko naman na natawa yung mga taong nakikinig. “Pero imbis siguro na magbigay ako ng wish para sayo e pasasalamatan na lang kita.”
Putek. Dinaig pa nito yung impromptu speech e. Bahala na. Kung anong masabi ko yun na yun. Halata naman sigurong seryoso ako sa kung anumang sasabihin ko.
“Salamat sa apat na taon ng pagiging kaibigan at best friend Nadz. Salamat sa pagtitiis sa pang-aasar ko sayo.” Patuloy ko. Napansin ko naman na parang natawa si Nadine sa huling sinabi ko. “Salamat na hanggang ngayon e best friend pa rin yung tingin mo sa’kin. Salamat din sa pagpayag mo na… ligawan kita. Na ligawan ka ng sarili mong best friend.”
Nagpakawala uli ako ng malalim na buntong-hininga bago nagpatuloy tas tiningnan ko uli si Nadine na nakatingin pa rin sa’kin. Ewan kung bakit, pero ramdam ko, ang pula ng mukha ko.
“Malay ko ba naman kasi na aabot sa punto na magkakagusto ako at liligawan ko yung babaeng feeling close sa Music Room noon.” Patuloy ko. “Kaya itong susunod na kanta, para talaga to sayo babaeng feeling close. Itong kanta na nagsimula ng pagiging magbest friend natin.” Dagdag ko tas sinimulan kong tugtugin yung chords ng kanta.
What day is it and in what month
This clock never seem so alive
I can't keep up
And I can't back down
I've been losing so much time
Habang kinakanta ‘tong kantang ‘to e bigla kong naalala kung pano ko nakilala si Nadine dun sa Music Room.
'Coz it's you and me
And all other people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me
And all other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you
Di ko alam kung naaalala pa ni Nadine ‘tong kantang ‘to. Itong kanta na pinili ko para kantahin dito sa debut niya. Dito sa harap niya.
There's something about you now
That I can't quite figure out
Coz everything she does is beautiful
And everything she does is right
'Coz it's you and me
And all other people
With nothing to do, nothing to lose
And it's you and me
And all other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you
Ewan kung bakit pero pakiramdam ko pag natapos kong kantahin ‘tong kantang ‘to e muk’ang kaya ko ng sabihin sa kanya…
You and me
And all other people
With nothing to do, nothing to prove
And it's you and me
And all other people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you…
Kaya ko ng sabihin yung mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya…
“I love you Nadine.”
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author’s Note: Last chapter na ito na may dual POV’s. Balik Paolo’s POV na ang mga next chapters. Inupload ko lang din tong chapter na 'to kung sakali man na hindi pa rin lumabas yung kadugtong nung story sa page 5 ng Chapter 34.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.