Chapter 46

342 9 13
                                    

Paolo’s POV

“…matatagalan pa ata bago ako tuluyang makamove on sayo…”

Di ako makapag-concentrate sa pagtugtog e. Putek. Paulit-ulit kong naaalala yung nangyari sa bus. Yung mukha ni Nadine habang natutulog. Yung pagsandal niya sa braso ko. Hanggang ngayon ata e ramdam ko pa rin yung bigat niya e. Para lang akong sira diba. Antagal na ngang makamove on, kung anu-ano pang iniisip. Makakatulong din talaga sa pagmu-move on ko ‘tong ginagawa ko e.

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim tas tumigil sandali sa pagtugtog ng gitara. Absent na naman daw kasi yung magaling naming prof sa Humanities e kaya naman tumambay muna ako sa gazebo. Mamayang alas singko pa kasi yung susunod kong klase. Di na rin ako pumunta sa tambayan kasi sigurado namang wala sila Carl at Miggy dun. Magpapatuloy na sana ako sa paggigitara nung naramdaman kong me nakatayo sa may likuran ko.

“Oy Paolo!” medyo pasigaw na sabi nung tao sabay tanggal nung isang earphone sa tenga ko. Si Gwen lang pala. “Kanina pa kita tinatawag, kaya pala hindi mo ‘ko naririnig kasi may nakasaksak sa tenga mo.”

“O bakit?” tanong ko sabay bawi nung earphone. “Me kelangan ka?”

“Wala naman.” Sagot niya sabay upo sa tabi ko. “Nagprapractice ka? Sipag ah.” Pang-aasar niya.

Di ko naman siya pinansin. “Nga pala, tapos ko na yung pina-compose na kanta ni Miggy.”

“Nasan na? Patingin nga.”

“Hindi pwede e. Sabi ni Miggy, sa kanya ko raw unang ipakita.” Sagot niya.

“Ah ganun ba.” Medyo walang gana kong sabi. Natahimik naman siya sandali.

“Di ka gutom?” tanong niya. “Dali kain tayo dun sa may Jacinto, lilibre kita ng kwek-kwek tsaka proben.” Dagdag niya sabay akay sa braso ko.

“Grabe Gwen, antakaw mo. Babae ka ba talaga ha.” Pang-aasar ko pero sumama rin naman ako sa kanya.

Dumiretso agad kami dun sa suki raw niyang binibilhan ng mga street foods tas kumain na agad kami. Naka-isang kwek-kwek, apat na stick ng proben at isang Coke sakto ako. Si Gwen naman e halos naka-anim na stick ng proben, apat na piraso ng tokneneng at isang baso ng buko juice. Takaw lang talaga.

Pagkatapos namin magfood trip e dumaan na rin kami sa tambayan para magpalipas-oras. Umupo agad ako sa sofa pagkarating namin. Busog na busog e. Sulit na yung merienda ko sa nilibre ni Gwen. Umupo rin siya dun sa parang rocking chair na nasa kabilang dulo ng sofa.

“Nabusog ako dun. Salamat sa libre Gwen.” Sabi ko sabay tingin sa kanya. Di naman siya kumibo. Nginitian niya lang ako. Di ko alam pero parang may kakaiba sa kanya e. Di ko rin naman masabi kung ano. “Oy. Ayos ka lang? Mukhang may problema ka e.” tanong ko.

Ngumiti uli siya. “Ayos lang ako. May iniisip lang ako.” sagot niya tapos e inalis niya yung pagkakatitig niya sa sahig at ibinaling sa’kin. Sa paraan ng pagkakatitig niya sa’kin e parang may gusto siyang sabihin.

“May gusto ka bang sabihin?” tiningnan niya lang ako. “Kung may problema ka, pwede naman akong makinig.”

“Hm. Ang totoo, may gusto sana akong itanong sayo Pao…” sagot niya. “…tungkol kay Nadine.”

Ako naman yung di kumibo ngayon. Tiningnan ko lang din siya. Ano naman kayang gusto niyang malaman tungkol kay Nadine?

“Ah pero kung ayaw mo, okay lang—“

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon