Chapter 12

237 5 0
                                    

Lutang na naman ako ngayon. Di na naman ako nakatulog ng maayos dahil magkikita na naman kami ni Nadine ngayon tas maaalala ko na naman yung nangyari nung isang gabi. Tapos nagtext pa si Megan ng wirdong text. May sasabihin daw siyang importante. Di niya na lang sinabi kahapon. Dagdag pa yung papalapit na band competition. Nagpra-practice naman kami pero di pa rin ako mapakali.

“Pao!”

Si Nadine! Di ako lumingon. Kunwari di ko narinig yung pagtawag niya. Seryoso, pagkatapos nung nangyari di ko pa alam kung papano ko siya haharapin. Ba’t ba kasi ako lang yung nasa matinong pag-iisip nun. Kasalan ‘tong lahat ni Carl. Humanda sa’kin yung mokong na yun mamaya.

“Hoy Pao!” ulit na tawag ni Nadine sabay hampas sa likod ko. “Bingi lang? Kanina pa kita tinatawag, di ka lumilingon.”

“Bakit? Me kelangan ka?” tanong ko sa kanya.

“Wala naman. Sabay na tayo. Papunta ka sa food court di ba?” sagot naman ni Nadine. “Ang sakit nung ulo ko kahapon. Sa natatandaan ko naman konti lang yung nainom ko. Pinatikim lang ako ni Carl.”

“Konti? Nagpapatawa ka ba? Halos naubos mo nga yung isang can ng beer, tas first time mo pang uminom nun!” sabi ko sa kanya sabay batok. Mukhang di naman niya naaalala yung nangyari sa park.

“Aray Pao.” Sabi niya sabay hawak sa ulo niya. “Hindi ko naman alam na malalasing ako ng ganun e. Tsaka nandun ka naman. Tinext nga ako ni Miggy nung umaga, sabi niya ikaw daw yung naghatid sa akin pauwi.”

Tiningnan ko lang siya. Mukhang wala nga siyang naaalala. Kung ganun, ako lang ang may alam na nangyari yun. Na nahalikan ko siya. Mabuti na din siguro na di niya alam. Baka mailing pa siya pag nagkataon.

“May practice uli mamaya, tama?” tanong niya.

“Oo. Mauna ka na lang pumunta sa tambayan, may dadaanan pa ako.” sagot ko sa kanya sabay kagat sa burger.

“Pupuntahan? Saan?”

“Wala ka na dun.” Sagot ko. Kapag nalaman na naman nito na magkikita kami ni Megan, siguradong di na naman ‘to titigil sa pang-aasar.

“Psh. Sabihin mo na lang. Para naman tayong hindi magbest friend e.” pilit niya.

“Hindi porket best friend kita, sasabihin ko na lahat sa’yo.” Katwiran ko. “Uso pa rin ang privacy kahit mag-best friend tayo.”

“Wow. Ganyanan na tayo ngayon? E ikaw nga alam mo halos lahat ng secrets ko.” sabi niya.

“Di naman kita pinilit na sabihin sa’kin. Ikaw din naman ang kusang nagkwento nung mga yun. Nung mga secrets mo na puro naman tungkol kay Gian.Pang-aasar ko sa kanya. Kulit-kulit talaga e.

“Grabe, ang unfair mo talaga Paolo Anthony Lim!” sabi niya sabay bato ng binilog niyang tissue sa’kin. Binato ko rin pabalik sa kanya yung tissue.

Pumunta na kami sa classroom. Sumama si Nadine sa mga kaklase naming babae, nagtampo ata. Bahala siya. Kulit niya din e. Inilabas ko na lang yung dala kong gitara tas tumugtog na lang ako kasama yung iba naming kaklase.

“Pao, si Nadine na ba tsaka si Gian?” biglang tanong nung lalake naming kaklase. Ba’t ba ang da’ing nagtatanong tungkol kay Nadine tsaka sa Gian na yun.

“Ayun si Nadine o. Siya tanungin mo.” Sabi ko sabay nguso sa direksyon ni Nadine.

“Di na. Siguradong di rin kami sasagutin ng maayos ni Nadine. Best friend ka naman niya kaya siguradong alam mo. So ano na? Sila na?” Mass Comm nga talaga ‘tong mga ungas na ‘to. Hilig sa chismis e.

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon