Chapter 6

282 4 0
                                    

“Sabihan mo na lang kasi si Nadine ‘tol. Papayag naman siguro yun.” Sabi ni Miggy.

“O nga ‘tol.” Second the motion ni Carl.

“Kayo na lang magsabi kay Nadine.” Sagot ko habang tumugtog ng gitara. Tambay kami sa bahay ngayon. Walang klase e. Pipili din kami ng kanta para sa band competition.

“Ba’t kami, e mas close kayo.” Katwiran ni Miggy.

“Di ako sigurado kung papayag yun. Isang beses ko pa lang siya narinig kumanta.” Sagot ko. Ba’t ba kasi may dinagdag pang bagong rule.

“Subukan mo lang.” pilit ni Carl.

“O na. Susubukan ko siyang kumbinsihin pag nagkita kami.” sabi ko. Di rin ako titigilan nitong mga mokong na ‘to e.

“Kapag pumayag si Nadine, kayong dalawa ang vocalist natin, kaya magiging duet ang labas.” Napatingin lang ako sa sinabi ni Miggy.

“Nung kanta ba gusto mo kantahin Pao?” nakangising tanong ni Carl. Nang-aasar na naman e. Nabato ko tuloy nung kapirasong Chippy.

“Di nga Pao, anong kanta ang balak niyong kantahin pag pumayag na si Nadine?” tanong ni Miggy.

“Malay. Di pa naman siya pumapayag.” Sabi ko sabay subo ng chichirya. “Yun na lang munang sa isang category yung hanapan natin ng kanta.”

“May naisip na kaming kanta ni Miggy.” Sagot ni Carl. “Pakinggan mo ‘to.” Sabay patugtog nung kanta sa laptop.

Matagal ko ng gustong malaman mo

Matagal ko ng itinatago-tago 'to

Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

P'wede bang bukas na

Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo

Upang sabihin sa iyo

Napatingin lang ako sa dalawang mokong. Talagang nang-aasar e. Naghe-head bang pa yung ungas na Carl.

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan

Mahal kita pero 'di mo lang alam

“Kaya mo naman sigurong kantahin yan. Yan napili namin para maiba naman. Siguradong mababagal na kanta’ng pipiliin nung iba.” Sabi ni Miggy sabay pause sa kanta.

“Seryoso ba kayo o nang-aasar lang kayo?” tanong ko na nakataas ang isang kilay.

“Seryoso kami. Bakit? Di ba kami muk’ang seryoso.” At nanggaling pa mismo yun sa bunganga ni Carl.

“Hay. Sige na ‘tol. Mas madali na ang pagpra-practice kapag yang kanta na yan ang ipapasok natin. Kabisado na ni Carl yung bass niyan.” Pilit ni Miggy. Me magagawa pa ba ‘ko.

“Hay. Oo na. Sige. Payag na ‘ko.”

“Yun o!” nakatawang sabi ni Carl. Binato ko uli siya ng chichirya.

Sinimulan ko ng praktisin yung chords nung kanta. Madali lang naman. Nakuha ko agad. Kelangan ko na lang kabisaduhin konti. Biglang tumunog cellphone ko. Me tumatawag. Binaba ko muna yung gitara tas sinagot ko yung tawag.

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon