Chapter 11

253 3 0
                                    

Author’s Note: Special chapter ‘to nung story. This chapter is written in Megan’s point-of-view.

***

First Year Summer Class.

“Friend, ang cute nung guy na papasok o.” sabi nung classmate ko sabay turo sa lalaki na pumasok sa classroom. Tiningnan ko naman yung tinuro niya. Naintriga ako e. Tama siya, medyo cute nga yung guy na pumasok. Mukhang kasali pa nga ata sa band, may bitbit kasing gitara e.

Mukhang magkakaron na ako ng motivation para pumasok sa summer class.

Nakakailang weeks na rin kami sa summer class pero di pa rin namin alam ang pangalan nung guy kaya binigyan muna namin siya ng nickname. Si guitar guy. Pa’no araw-araw siyang may bitbit na gitara e.

Nalaman ko lang yung pangalan niya ng nagkaron kami ng class activity tapos magka-group kami. Ako na yung nagvolunteer na maging secretary ng group. Sinulat ko na yung names nung mga ka-grupo, ang pangalan na lang ni guitar guy ang kulang.

“Ah. Anong name mo?” tanong ko sa kanya. Kinabahan nga ako e, mukha kasi siyang suplado na snob. Baka di niya ako sagutin tapos mapahiya lang ako.

Paolo Anthony Lim.” Sagot niya. Paolo pala ang name niya. Ang cute ng name niya, tulad niya.

Sinulat ko na sa papel yung pangalan niya. Nagsimula na rin yung class activity. Ang galing nga ni Paolo e. Alam niya halos lahat ng sagot sa mga questions na binigay nung professor.

“Ang talino mo naman. Alam mo halos lahat nung answers.” Sabi ko sa kanya. Mukhang hindi naman pala kasi siya snob.

“Nandun naman lahat nung sagot sa photocopy na binigay kahapon, di mo ba binasa?” tanong niya.

“Hindi e. Mabuti na lang nga at ka-group ka namin.” Sabi ko tapos ngumiti ako. Di na siya kumibo. Mukhang man of few words ata itong si Paolo e.

Ewan kung bakit pero iba si Paolo sa mga naging crush ko dati. Siguro nga iba dahil high school pa naman yun tapos eto college na. Pero hindi rin e. Meron talagang something kay Paolo. Di ko rin masabi kung ano. Siguro yung pa-mysterious effect niya. Ewan basta, isa lang ang sigurado ako. Gusto ko si Paolo.

After nung summer class, hindi ko na uli nakita si Paolo. Pero laking gulat ko na lang nung nalaman ko na Mass Communication din ang course niya tapos classmates pa kami ngayong second year. Hindi ko na lang siya summer class classmate. Magiging classmate ko na talaga siya.

First day of class na ng pagiging second year college ko. Excited akong pumasok para makipagdaldalan sa mga friends ko pero mas excited ako na makita ulit si Paolo. Naaalala pa kaya niya ako?

“Pao!” sigaw nung isang babae sa likod ko. Napalingon naman ako. Feeling ko rin ako yung tinawag e. Tapos nandun nga si Paolo. Classmate ko nga talaga siya.

“Muntikan ka ng na-late.” Sabi ulit nung babae sabay suntok sa braso ni Paolo. Inakbayan naman siya ni Paolo tapos ginulo niya yung buhok nung babae.

Napaisip tuloy ako kung girlfriend niya yung babae. Parang close kasi sila e. Magkatabi din sila sa klase. Tapos panay pa ang kwentuhan at tawanan nila. Medyo nawalan ako ng pag-asa. Hindi ko nga siya nabati e. Feeling ko naman hindi niya ako maaalala, kaya tinitingnan ko na lang siya. Tinitingnan ko na lang silang dalawa nung babaeng lagi niyang kasama.

Hindi rin kami naging close ni Paolo kahit classmates kami kaya nawala na rin yung infatuation ko sa kanya.

Say it's true

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon