Chapter 30

214 3 0
                                    

“Wow. Ang gwapo natin ngayon Kuya ah.” Natatawang sabi ni Mitchie pagkalabas ko sa kwarto.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Putek e. Kabadong-kabado na tayo e nakuha pang mang-asar.

“Nakatulog ka ba kagabi Kuya o baka naman buong gabi mong inisip yung magiging date niyo ni Ate Nadine.” sabi niya uli.

“Sige mang-asar pa.” sabi ko sabay hatak sa kanya at gulo ng buhok niya.

“Aray! Teka Kuya! Titigil na ako, promise!” sabi ni Mitchie sabay pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko kanya.

“Paolo, tama na yan.” Sabi ni Mama habang nagluluto. “Nakabihis ka na, anong oras ba kayo magkikita ni Nadine?”

“Maya-maya pa Ma.” Sabi ko sabay bitaw kay Mitchie. “Pero pupunta na’ko dun baka kasi magka-traffic pa mamaya.”

“Ah. Sige sige.” Sabi ni Mama. “Punta ka na. Baka ma-traffic ka ngayon e paghintayin mo pa ang future daughter-in-law ko.” dagdag ni Mama sabay tulak sa’kin. Atat lang din si Mama na paalisin ako e.

“Ma.” Sabi ko.

“O bakit?” tanong ni Mama. “Dun din naman yan papunta e. Dyan nag-uumpisa yan sa date-date na yan tapos magiging magboyfriend at girlfriend kayo tapos hindi niyo namamalayan, ikakasal na kayo—“

“Ma. Magde-date pa lang kami ni Nadine.” putol ko sa kanya. “Tsaka masakit man aminin, may ibang gusto si Nadine. Di ko nga alam ang standing ko sa kanya e.”

“Ayos lang yan Kuya.” Sabat ni Mitchie. “Tandaan, lageng nananalo ang mga underdog.” Papasok sana uli ako sa bahay para kutusan si Mitchie pero hinarang ako ni Mama.

“Sige na Pao. Lakad na.” sabi ni Mama sabay tulak sa’kin palabas sa gate. “Ingat at enjoy sa date niyo.”

“Bye Kuya!” sabi ni Mitchie. “Alisin mo na yang pagka-torpe mo kahit ngayon lang, okay?” pasigaw niyang habol tas tumawa siya ng malakas. Sarap talagang batukan e.

Nag-antay na agad ako ng jeep pagkadating ko sa kanto habang panay din yung tingin ko sa cellphone ko. Baka kasi magtext si Nadine e, pero wala. Mga 11:00 naman yung usapan namin.

Ang totoo kabado talaga ako ngayon. Halos pareho nga dun sa mga nasa comics o cartoons yung bilis at lakas ng pagtibok ng puso ko ngayon e. Yung tipong halos humiwalay na sa katawan yung puso. OA lang din e. Mas tumindi pa yung kaba ko nung nasa mall na’ko tas 15 minutes to 11 na. Parang gusto ko na ngang umuwi e. Loko lang. Di ko i-indianin si Nadine. Bestfriend ko yun e, tas mahal ko pa. Wow, Paolo. Ang bakla mo. Walang nagsabi sa’kin na ganito pala ang side effects ng pakikipagdate.

Busy ako sa kapipili ng kanta sa cellphone ko nung biglang me kumalabit sa likod ko. Lumingon naman agad ako tas ayun nga. Si Nadine.

“Ah N-Nadz.” Nauutal kong sabi. Potek! Ngayon pa’ko magkakaganito e. “Aga mo naman. Wala pang 11 ah.” Dagdag ko sabay tingin sa relo.

“Ah. Aga mo rin naman. Wala pa ring 11.” Sagot niya. Ngumiti na lang ako.

Pakshet e. Tulong! Wala akong masabi. Dapat normal lang ang kilos ko. Para lang din naman tong tulad nung mga lakad namin dati e. Mas makakatulong siguro kung di ko iisipin na date to. Pero muk’ang di rin tatalab e. Ba’t ba kasi ang cute ni Nadine ngayon? Di nga siya naka-dress tulad nung sa date nila ni Gian pero shet. Babaeng-babae siya sa ayos niya ngayon.

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon