Nadine’s POV
Grabe ang busy ng mga tao sa bahay. Lahat sila abala para dun sa magiging debut party ko bukas. Ako naman, eto, nagkukulong sa kwarto ko habang nakikinig ng love songs. Ewan ko nga kung bakit puro love songs ‘tong tumutugtog sa cellphone ko. Nag-e-enjoy din naman ako sa pakikinig. Napapasabay pa nga ako sa pagkanta dun sa ibang love song e.
Maya-maya pa biglang naputol yung tumutugtog na kanta. May nagtext kasi.
1 new message.
From: Paolo Anthony Lim
Nadz, san ka? Nandyan ka senyo?
Si Paolo pala. Ba’t naman kay tinatanong nito kung nasan ako.
Me: Nasa bahay lang ako ngayon. Busy sila Ate e. Bakit?
Paolo: Ah. Kasi nandito sa me kanto ng subdivision niyo. Papunta ako senyo e.
Pupunta siya dito? Sa amin? Ngayon? Bakit kaya? Baka may kailangan na naman si Ate sa kanya.
Me: Papunta ka? Bakit?
Paolo: Tungkol kasi dun sa hindi ako makakapunta sa debut mo. Naisip ko lang, di naman ako makakapunta bukas ,e i-celebrate na lang natin ng mas maaga yung birthday mo. Dala ko na yung mga chichirya.
Me: Oo nga pala. Hindi ka nga pala makakapunta. Sige sige. Game ako dyan. Antayin na lang kita dito sa bahay. :)
Paolo: Sige.
Yun pala yung dahilan kung bakit siya pupunta dito. Akala ko kung ano na. Hindi nga pala siya makakapunta bukas. Nakakalungkot lang e. Wala yung best friend ko sa debut ko.
Oo. Best friend pa rin tingin ko kay Paolo… kahit na nililigawan niya ako. Best friend ko pa rin siya. Hindi yun magbabago.
Maya-maya pa tinawag na ako ni Ate. Dumating na si Paolo. Bumaba naman ako bitbit yung gitara ko. Sigurado kasing tutugtog yun. Adik kasi sa gitara e.
Paolo’s POV
“Sorry Pao. Medyo magulo ngayon dito dahil sa party bukas.” Sabi ni Nadine sabay upo sa may veranda nila.
“Di. Ayos lang Nadz. Ako naman yung biglaang pumunta e.” sagot ko sabay upo at lagay nung mga chichirya sa mesa.
Biglaan lang talaga ‘tong pagpunta ko dito. Kagabi ko lang naisip na mag-advance celebration na lang nung birthday ni Nadine e.
“Ah. Advance happy birthday Nadz.” Sabi ko. “Advance celebration na ‘to e. Igri-greet na lang din kita in advance.”
Natawa si Nadine. “Advance celebration tapos chichirya lang ang handa natin.” Sabi niya sabay kuha nung Piatos.
“Di pa nabigay yung bayad para sa gig namin kahapon e. Tsaka wala rin akong nakitang street food papunta dito.” Sagot ko. “Ah tsaka yung regalo ko nga pala sayo. Tsaka ko na ibibigay.”
“Ah. Sige.” Sagot niya sabay subo ng Piatos. “E ano na gagawin natin?”
“Hmm. Ewan.” Sagot ko sabay bukas nung Potato Chips. “Kaw, ano bang gusto mong gawin?”
“Hmm.” Sabi ni Nadine sabay tingin sa mga chichirya. “Tama. Nagdala ka na rin lang naman ng chips, mag-DVD marathon na lang tayo.” Dagdag niya sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.