Nadine's POV
"-adz. . .Uy Nadine." Sabi ni Jane sabay kalabit sa'kin. "Okay ka lang? Tulala ka dyan?" kunot-noo naman niyang tanong.
"Ah. Ayos lang ako. May iniisip lang." sagot ko, tapos ay napalingon ako sa pwesto ni Paolo.
"Sigurado ka?" tanong ni Jane na nakataas pa ang isang kilay. "Pansin ko kanina ka pa palingon-lingon sa likuran. May hinihintay ka ba?"
"Wala." Halos pabulong kong sagot. Pero ang totoo e hinihintay ko talaga si Paolo. Hinihintay ko siya para maipaliwanag ko yung ginawang kalokohan ni Ate Mau kagabi.
***
"Paolo, pwede ba tayong mag-usap bukas? May gusto lang ako sabihin sa'yo."
"Message sent!" Halos pasigaw na sabi ni Ate habang pilit inilalayo sa'kin ang cellphone ko.
"Ate! Anong ginawa mo?!" Sigaw ko habang pilit na binabawi ang cellphone ko.
"Yung dapat na matagal mo nang ginawa." Sagot niya. "Ang sabihin kay Paolo ang totoo."
Natigilan naman ako sa sinabi ni Ate, tapos ay napasalampak nalang ako sa kama ko. "Wala naman akong dapat sabihin sa kanya." halos pabulong kong sagot.
"Meron! Kaya sabihin mo na yan nang matigil na yang depress-depressan mo." Sagot niya habang nakapamewang pa.
Pinagkunotan ko naman siya ng noo. "Hindi ako depress-"
"Wag mo nang i-deny Nadz. Naging ganyan ka mula nung nalaman mong dine-date na ni Paolo yung Gwen na 'yun." Napatingin naman ako kay Ate sa sinabi niya, at nahalata naman niya ang pagtataka sa mukha ko.
"Alam ko. Kinukwento sa'kin ni Mitchie no." patuloy niya tapos ay bumuntong-hininga siya. "Magpakatotoo ka nalang kasi Nadz. Sabihin mo na sa kanya yung nararamdaman mo nang malagay na ang lahat sa tama. Sigurado ako, ikaw nalang din ang hinihintay ni Paolo."
"Hindi naman kasi yun ganun kadali e." halos pabulong kong sabi.
"Madali lang yan Nadz kung talagang gugustuhin mo. Tatlong salita lang yun o - Paolo, gusto kita." Hindi ko naman siya kinibo. "Ginawa na ni Paolo yung part niya Nadz. Ikaw naman dapat ang kumilos ngayon."
***
Para naman kasing ganun lang kadali ang gustong ipagawa ni Ate. Hindi ko na nga halos magawang makausap ng normal si Paolo, tapos pipilitin pa niya akong umamin sa kanya. Tsaka. . .nandyan na rin naman na si Gwen-
"Nadz!" halos pasigaw na tawag ni Jane sa'kin sabay palakpak sa harap ko. "Tulala ka na naman. Okay ka lang ba talaga ha?"
"Ah sorry. Okay lang talaga ako." Tinitigan niya lang ako. "M-May iniisip lang."
"Wag masyadong malalim ang iniisip Nadz. Sige ka, baka mabaliw ka nyan." Natatawa niyang sabi.
Nakitawa nalang din ako kay Jane. Maya-maya pa ay dumating na rin ang professor namin, at saktong-sakto naman na pagkapasok niya e halos padabog na bumukas yung pintuan sa likuran ng room namin.
"Sorry Sir. Antigas kasing itulak nung pinto." Katwiran ni Paolo na hinihimas-himas pa ang batok niya.
"Next time Mr. Lim, use the door in the front." Taas-kilay na sagot naman ng professor namin. "Nakalock talaga ang pintong yan para hindi makasingit ang latecomers." Dagdag niya na para bang ine-emphasize pa ang salitang "latecomers".
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.