Chapter 42

222 4 14
                                    

Paolo’s POV

“Ah Kuya, may bisita ka ba ngayon?” tanong ni Mitchie pagkababa niya sa kwarto niya.

“Pupunta sila Miggy. Pagplaplanuhan namin yung mga kakantahin namin sa band competition sa school.” Sagot ko sabay tigil sa pagtugtog ng gitara.

“Band competition… Ah, kasama ba si Ate Nadine dyan, Kuya?”

Medyo natagalan bago ako nakasagot. “Hindi.” Tipid kong sagot tas nagpatuloy ako sa pagtugtog ng gitara.

Natahimik din sandali si Mitchie tas tumuloy na sa kusina. Patuloy pa din ako sa pagtugtog ng gitara.

Sinabi ko sa sarili ko na di ko na masyado iisipin si Nadine pero di ko pa rin mapigilan. Sa tinanong ni Mitchie e bigla kong naalala yung naunang band competition.

Yung unang pagkakataon na nag-duet kami ni Nadine. Yung panahong sasabihin ko na dapat yung nararamdaman ko para sa kanya.

Natigil yung pag-e-emote ko nung biglang me nag-doorbell sa may gate. Pinuntahan ko naman yung nag-doorbell.

“Hi.” Nakangising salubong ni Gwen sa’kin sabay kamot sa ulo niya.

“Gwen?” gulat kong tanong tas tiningnan ko si Carl at Miggy. Nagkibit-balikat lang si Miggy.

“Ba’t ka andito—“

“Siya yung sinasabi ko na kakilala kong pwedeng tumulong sa atin sa original composition na yun.” Putol ni Carl sa’kin.

Tiningnan ko lang si Gwen tas ngumiti naman siya. Nagkibit-balikat na lang ako tas pinapasok ko na sila. Pagkapasok e kinuha naman agad ni Miggy yung gitara ko na nakasandal sa sofa.

“Me naisip ka ng kanta para dun i-co-cover mo Pao?” tanong niya sabay pahapyaw na pagtugtog sa gitara.

“Meron na pero di pa ako sigurado kung yun na tagala yung tutugtugin natin.” Sagot sabay salampak sa computer chair. “E yung original composition?” tanong ko sabay baling ng tingin ke Gwen.

“Ah sinabihan na rin ako ni Carl tungkol dyan.” Agad niyang sagot. “Ano, ako na lang ang bahala sa lyrics tapos kayo na yung sa magiging tono ng kanta.”

“Ayos na ba yun Migz?” tanong ko.

“Ayos na yun basta me lyrics lang, ako na’ng bahala sa tono.” Sagot ni Miggy na patuloy pa rin sa pahapyaw na pagtugtog sa gitara. “Pag-isipan na lang muna natin yung sa isang kanta.”

Tumango lang kaming dalawa ni Carl.

“Pao, ayos lang naman siguro sayo na solo yung gagawin natin.” Sabi ni Miggy. Tumango lang ako. “Di naman na nila sinabi na kelangan ng duet o ano. Pero kung gusto mo—“

“Di. Ayos na’ko dun sa solo.” Putol ko sa kanya. Tiningnan naman niya ‘ko sandali tas tumango. Nagpalipat-lipat din ng tingin sa’min si Gwen.

“Sige. Tama na yang usapan tungkol sa duet-duet na yan. May naisip ka na bang kanta Pao?” singit ni Carl.

“Di pa rin ako makapag-decide kung anong kakantahin ko. Pero me mga napili na ako.” sagot ko.

“Ano?”

“Tinitingnan ko pa yung Give Me Love ni Ed Sheeran.” Sagot ko sabay pulot nung papel na nakalagay sa lamesita.

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon