“Balita ko sinabi mo na kay Nadine na gusto mo siya. Ano na? Kayo na?” biglang tanong ni Carl sabay akbay sa’kin. Mangungulit na naman e.
“Sinabi ko pa lang sa kanya. Di pa kami.” Sagot ko sabay alis sa pagkakaakbay ni Carl.
“Ha?? Hindi pa kayo?” tanong uli ni Carl na nakataas ang isang kilay.
“Hoy! Magchi-chismisan lang ba kayo dyan? Baka naman pwede niyo ‘kong tulungan dito.” Sigaw ni Miggy habang binababa yung cooler. Lumapit naman kaming dalawa ni Carl sa kanya.
Tulad kasi nung napag-usapan pumunta kami sa beach. Post-celebration nung pagiging first runner-up sa band competition. Kaming tatlo, si Nadine, yung mga barkada ni Nadine tsaka yung pang-asar na mokong, si Gian. Ewan kung ba’t nakasama yung Gian. Di ko na rin tinanong si Nadine kasi mu’kang iniiwasan niya ‘ko matapos yung ginawa kong pagco-confess sa kanya.
“Nadz. Bihis na tayo.” Sabi nung isang barkada ni Nadine.
“Sige.” Nakangiti namang sagot ni Nadine tas pumunta na sila sa may CR.
“Hinay-hinay sa pagtitig, baka matunaw.” Natatawangsabi ni Miggy sabay upo sa tabi ko.
“Hay mang-asar ba?” sabi ko lang sa kanya.
“Ano na? Liligawan mo na ba?” tanong ni Miggy.
“Ewan. Kung liligawan ko siya mu’kang mahihirapan ako. Mu’kang iniiwasan niya ‘ko e.”
“Pansin ko nga. Halos di kayo mag-usap sa sasakyan.” Sabi ni Miggy sabay lagok ng coke. “Para nga kayong di mag-best friend e.”
Tiningnan ko si Miggy. “Ewan. Di ko rin siya maintindihan, parang bigla na lang nag-iba yung ugali niya.”
“Ganyan talaga’ng mga babae. Normal lang yan.” Sabi ni Miggy. “Nabigla lang siguro yun sa pag-confess mo. Babalik din kayo sa dati.” Dagdag ni Miggy sabay tapik sa balikat ko. “Sige magsusugba muna 'ko. I-enjoy mo na lang muna yung dagat.” Tas umalis siya.
Umupo muna ‘ko sandali dun sa cottage. Inisip ko yung sinabi ni Nadine. Di ko gets e. Pinapili niya ako kung magiging mag-best friend pa rin kami o magiging manliligaw niya na’ko. Labo ni Nadine. Pwede pa rin naman niya ako maging best friend kahit na nililigawan ko na siya. Di ko talaga maintindihan kung anong gusto niya mangyari.
“Pao. Ba’t mag-isa ka lang dyan? Dali sama ka sa’min. I-enjoy natin ang beach.” Sabi nung isang barkada ni Nadine. “Nandun na si Nadine o.” dagdag niya sabay nguso sa direksyon ni Nadine.
“Okay. Magbibihis muna ‘ko.” Sabi ko sa kanya. Mamaya ko na proproblemahin si Nadine. Nandito rin naman kami sa beach mas mabuti pang enjoyin ko na.
Pumunta na’ko sa CR para magpalit ng panligo. Tas pumunta na’ko sa beach. Ayos yung lugar na napili ni Miggy. Di ganun kadami yung tao na pumupunta tas malinis din ang dagat.
“Oy. Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Pumunta na tayo dun sa mga chiks.” Sabi ni Carl sabay akbay sa’kin tas pumunta na kami kung nasan sila Nadine.
“Chiks ka ng chiks dyan. Lagot ka sa girlfriend mo.” Sabi ko pero di ako pinansin nung mokong.
“Oy Nadz!” sigaw nung mokong tas lumingon naman si Nadine.
PAKSHET!
Naka-two piece lang si Nadine tas naka-shorts. Sarap upakan ni Carl! Ba’t ba niya tinawag! Di tuloy ako makatingin ng maayos ke Nadine. Di ako mahalay. Promise. Di ko lang matingnan ng maayos si Nadine, palibhasa ngayon ko lang siya nakitang naka-two piece. Lage kasi siyang naka-T-shirt tsaka shorts o pantalon.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.