“Bahala ka.”
“Yun yung sagot niya sa tanong mo? Isang malutong na bahala ka?” sabi ni Carl. “Muk’ang di magandang senyales yan Pao.”
“Salamat Carl. Salamat sa suporta.” Asar na sagot ko.
“Pero mukhang itutuloy mo pa rin naman ata yang panliligaw mo sa kanya.” Sabat ni Miggy.
“Itutuloy ko pa rin, kahit na ganun yung sagot niya. Bahala na.” sagot ko tas tumingin ako sa oras sa cellphone ko. “Sige una na muna ‘ko.” Dagdag ko sabay tayo sa upuan.
“Sige. Good luck sa panliligaw.” Sabi ni Carl sabay kindat. Di ko na siya kinibo tas umalis na’ko.
Pumunta na’ko sa classroom namin. Wala pa si Nadine kaya dumiretso na’ko sa upuan ko. Tiningnan ko yung cellphone ko. Walang text. Madalas kasi pag nale-late si Nadine, tinetext niya ‘ko. Pero walang text ngayon. Muk’ang plano pa rin niya akong iwasan. Ibinulsa ko na lang uli yung cellphone ko.
Pagkatapos ng klase dumaan ako sa gazebo. Dun madalas tumatambay si Nadine e. Nandun nga siya kaso may asungot na nakadikit sa kanya.
“Nadz.” Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. Tiningnan din ako nung asungot.
“Ah. Paolo. Hmm. Bakit?” tanong niya. Buti naman di na siya masungit at seryoso ngayon pero may kakaiba pa rin sa kanya.
“Absent ka sa klase. Me problema ba?” tanong ko naman sabay upo sa tabi niya.
“Ah. Tinanghali ako ng gising e.” sagot niya.
“Nadine, iexplain mo na ulit sa akin yung article sa Philosophy.” Singit nung kumag na Gian. Ba’t ba kasi nandito ‘tong mokong na ‘to.
“Ah. Sige sige.” Sagot naman ni Nadine tas nagpatuloy na siya sa pag-e-explain nung article sa kumag.
Hiniga ko na lang yung ulo ko sa mesa sabay saksak nung earphones sa tenga ko. Tiningnan ko lang silang dalawa. Panay yung ngiti ni Nadine. Malamang kinikilig yung babae kasi nagpapaturo sa kanya yung kumag niyang crush.
Tingin ko nga e nililigawan na nitong mokong si Nadine. Kung nililigawan man niya si Nadine, isang malaking good luck na lang sa’kin. Muk’ang dehado pa rin kasi ako kahit pa mag-best friend kami ni Nadine.
Iidlip sana ako habang hinihintay na matapos si Nadine at yung kumag tas biglang tumunog yung cellphone ko.
Maureen calling…
Tumatawag si Mau? Napatingin sila Nadine sa’kin. Tumayo muna ‘ko tas sinagot ko na yung tawag.
Paolo: Hello?
Maureen: Paolo Anthony Lim!
Paolo: Mau? Bakit?
Maureen: May nakalimutan ka ata ngayong araw.
Paolo: Nakalimutan? Ano bang meron ngayon?
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Mau. Tas naalala ko. Birthday niya nga pala ngayon.
Paolo: Naalala ko na. Happy birthday Mau. Sorry nakalimutan ko.
Maureen: Hay. Palage mo naman atang nakakalimutan e. Nga pala Pao, may maliit na celebration sa bahay mamaya. Punta ka. Sabay na lang kayo ni Nadine.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.