Chapter 26

244 2 0
                                    

“Alam mo na ba kung sinong may-ari nung number?” tanong ni Nadine. Kinuwento ko sa kanya yung tungkol dun sa natanggap kong text kagabi e.

“Di pa.” sagot ko sabay kalikot nung cellphone ko. “Di ko rin nireplyan e. Nanggu-good time lang siguro yun.”

“Ba’t di mo tawagan.” Sabi ni Nadine. “Tsaka, ano ba yung tinext sayo?”

Tiningnan ko lang siya. “Basta.” Sabi ko sabay bulsa nung cellphone. “Sige Nadz, palit muna ‘ko ng PE uniform.” Dagdag ko sabay punta sa CR. Di ko sinabi ke Nadine kung ano yung laman ng text e.

“I like you.”

Pakshet e. Nanggu-good time nga talaga siguro ang nagsend nun. Di ko rin naman iniisip na baka si Nadine ang nagsend nun. Imposible e. Tsaka base na rin sa reaction at mga sinasabi niya, hindi talaga sa kanya galing yung text.

Lumabas agad ako pagkabihis tas umupo muna ‘ko sa bleachers. May PE kami ngayon e. Ayos naman ako sa PE pero medyo mahirap nga lang yung PE ngayon. Basketball kasi ang napuntang sport sa section namin e.

“Nadine!” biglang sigaw nung lalaki sabay lapit kay Nadine. Kilala ko yung boses. Yung kumag na Gian na naman.

Isa rin to sa dahilan kung ba’t di ko masyado gusto ang PE ngayong sem e. Minerge yung klase namin tsaka yung klase nung kumag. Panay pa yung dikit ke Nadine. Halatang pumoporma e. Maya-maya pa nagsimula na yung klase. Nakatayo lang ako dun sa may tabi. Marunong naman akong mag-basketball pero di ako mahilig maglaro.

“Nice shot!” sabi nung kumag na Gian ke Nadine. Nagpapaturo magbasketball si Nadine dun sa kumag e. Tuwang-tuwa naman yung kumag. Damubs lang e.

“Pao. Nakatayo ka lang dyan?” tanong ni Mark sabay lapit sa’kin.

“Kapagod maglaro e.” sagot ko. “Ayos na’ko dito.”

“Ah.” Sagot niya. “Selos ka no?”

Napatingin ako kay Mark sa tinanong niya.

“Selos ka no?” ulit niyang tanong.

“Selos?” tanong ko din kunwari. Pakshet e. Alam ba nito na gusto ko si Nadine? Wala naman akong pinagsabihan sa mga kaklase ko.

“Kay Nadine tsaka Gian.” sagot niya. “Tingnan mo, close nila o. Malamang kung bestfriend ko rin si Nadine, magseselos din ako.”

Tiningnan ko lang si Mark. Putek. Kala ko me alam na tong mokong na to e.

“Palibhasa kasi e crush ni Nadine yang Gian na yan.” Pahabol niyang sabi. “Tapos gusto rin niyang Gian na yan si Nadine. Hay. Ikaw Pao, bilang bestfriend ni Nadine, boto ka ba dyan sa Gian na yan?”

“Kahit naman na hindi ako boto, si Nadine pa rin ang magdedesisyon sa mangyayari sa kanilang dalawa ni Gian.” sagot ko.

“Kung sabagay, may point ka rin.” Sabi niya sabay himas sa baba niya. Mu’kang me itatanong na naman ‘to na kung ano e. “E ikaw ba Pao, sa tinagal-tagal niyong mag-bestfriend ni Nadine, ni minsan ba o kahit once man lang, di ka na-in love sa kanya?”

Napaubo ako sa tanong ni Mark. Daldal talaga nitong barkada na ‘to ni Nadine e.

“Ano?” tanong niya uli. Di agad ako nakasagot. “Sa ikinikilos mo e mukhang may time nga na na-in love ka kay Nadine.” Pakshet talaga e.

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon