Paolo's POV
"Paolo, aalis ka?" tanong ni Mama habang naghahain ng agahan.
"Oo Ma." sagot ko sabay sukbit nung guitar bag sa balikat ko. "Malapit-lapit na kasi ang band competition sa school kaya kelangan namin bumwelo sa pagpractice."
"Ah." Sagot niya. "Kasali pa rin ba si Nadine dyan?"
Natigilan ako sa itinanong ni Mama. Napatingin naman si Mitchie sa akin. Tiningnan ko lang din siya. Hindi pa kasi alam nina Mama at Papa yung nangyari sa'min ni Nadine. Yung pagbasted niya sa akin, pati na rin yung ginagawa kong pagmove on sa kanya ngayon.
"Pao-"
"Hindi na, Ma." Putol ko sa kanya. "Sige Ma, una na ako." Dagdag ko sabay halik sa noo niya, tapos ay umalis na ako.
Kahit na halos hindi na kami nagkikita at hindi na rin siya nagpupunta sa bahay, bukambibig pa rin nila Mama si Nadine. Pwera nalang ata kay Mitchie na tinititigan lang ako kapag nababanggit ang pangalan ni Nadine o anumang may kinalaman sa kanya.
Pinakiusapan ko rin kasi siyang wag niya ng ikwento kina Mama yung nangyari; na ako nalang ang magsasabi sa kanila, balang araw.
"Oy Pao! Buti naman dumating ka na." salubong sa akin ni Carl na nakapamewang pa. Sa bahay nila kasi kami magpapractice ngayon.
"Ah Pao!" nakangiting salubong ni Gwen. Nginitian ko lang din siya.
"Di pa kayo nag-uumpisa?"
"Hindi pa. Ginagawan ko pa ng tono 'tong cinompose na kanta ni Gwen e." sagot ni Miggy sabay tigil sa pagtugtog ng gitara. Tumango-tango naman ako. "Hm. Mabuti pa hatiin niyo na ang verses nitong kakantahin niyo para sa duet." Dagdag niya sabay abot ng kopya nung lyrics.
Bumuntong-hininga naman ako tapos kinuha yung papel. Naipilit kasi talaga ni Carl 'tong duet na 'to e.
"Gwen lika na, i-assign assign na natin 'to." Sabi ko.
"Okay." sagot niya sabay upo sa tabi ko.
Sinimulan naman agad namin ang pagdi-divide nung kanta. Medyo natagalan pa konti kasi pinagpapasa-pasa pa namin yung ibang verses sa isa't-isa.
"Final na 'to?" tanong ko sa kanya. Lumukot sandali yung mukha niya pero tumango rin siya.
"Sige na, practice na tayo." Dagdag ko sabay labas nung gitara ko. Tinono-tono ko muna yung gitara, tapos ay sinimulan ko na rin ang pagkanta.
Paolo:
Looking in your eyes I see a paradise
This world that I found is too good to be true
Standing here beside you, want so much to give you
This love in my heart that I'm feeling for you
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.