Chapter 2

392 9 2
                                    

[ Flashback 2 years ago. ]

What day is it and in what month

This clock never seem so alive

I can't keep up

And I can't back down

I've been losing so much time

'Coz it's you and me

And all other people

With nothing to do, nothing to lose

And it's you and me

And all other people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you…

“Ang galing ah.” Sabi nung babae sabay palakpak. Napatingin lang ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita sa school na ‘to e. “Ba’t di ka sumali sa choir?” tanong niya habang papalapit sa akin.

“Di ko trip yung mga ganung bagay tsaka di ako yung tipo na sumasali sa mga choir-choir na yan.” Sagot ko sa kanya. Feeling close ‘tong babaeng ‘to ah. “Sino ka ba?”

“Nadine Elise Uy.” Sabi niya sabay abot nang kamay niya na para bang magha-handshake. “Transferee ako dito. Nice to meet you—“ tumingin siya sa gitara na hawak ko. “—Paolo.”

“Anong ginagawa mo dito sa Music Room?” tanong ko habang inaayos yung gitara ko.

“Ipapasa ko lang ‘tong workbook ko. Di ko napasa kanina e.” sagot niya habang nilalagay yung workbook niya sa bookshelf. “Hmm pwede ka bang kumanta uli?”

“Ah. Ha?” Tiningnan ko siya na nakataas ang isang kilay. Di pala feeling close ‘tong babaeng ‘to e, makapal ang mukha niya.

“Sabi ko pwede ka bang kumanta uli. Kahit isang kanta na lang.” nakangiti niyang sabi.

“Ba’t naman kita pagbibigyan e di nga kita kilala.”

“Ang sungit mo naman. Bakit ba parang lahat ng student’s dito ang anti-social.” Sabi niya.

“E ikaw, ba’t ba ang feeling close mo?”

“Di naman ako feeling close e, nakikipagkaibigan lang naman ako sayo.”

Tiningnan ko lang siya. Ewan ko sa babaeng ‘to. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganito kakulit at kaprangka. Hindi raw siya feeling close, nakikipagkaibigan lang.

“Ewan ko sayo.” Sabi ko habang palabas sa Music Room.

Naghahanap ka ng maaya

Pagkat sadyang wala kang magawa

Nagsasayang ng bawat oras sa wala

Hala

Napatigil ako. Napalingon ako sa kanya. Kumakanta siya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkanta.

Na search mo nang lahat sa internet

Naubos na ang load sa kakatext

Naghihintay ka lang ng may makukulit

Ulit

“Sorry di ako masyado magaling kumanta e. Di ko rin memorize yung lyrics.” Sabi niya sabay kamot sa ulo at tawa.

“Sino ba me sabi na kumanta ka? Tsaka kaya mo naman palang kumanta, pinapakanta mo pa ako.”

Boy FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon