Nadine's POV
"Nadz, tara videoke tayo sa mall." Yaya ni Jane sa akin. Maagang natapos klase namin ngayon e, tsaka absent din yung prof ng 6PM class namin.
"Pass muna ako Jane." Sagot ko habang inaayos yung gamit ko. "Medyo wala ako sa mood mag-videoke at gumala ngayon e." katwiran ko.
"Hmm. Sige. Pero sama ka sa sunod ah." Sabi niya. "Sige Nadz, alis na kami. Ingat ka nalang pauwi." Pahabol ni Jane tapos umalis na sila.
Nagpatuloy naman ako sa pagliligpit nung gamit ko. Wala kasi talaga ako sa mood na gumala e. Tsaka di pa rin maalis sa utak ko yung pinag-usapan namin ni Ate Mau.
"Pao!" napalingon ako sa pinanggalingan nung boses. "Sama ka sa'min me inuman daw kina Joshua. Birthday daw ng utol nya."
"Sorry. Pass muna 'ko. Me na oo-han na akong ibang lakad e." Tanggi ni Paolo sabay sabit ng guitar bag sa balikat niya. "Sunod nalang, promise. Sige una na'ko." dagdag nya sabay nagmamadaling lumabas sa room.
Sinundan ko lang ng tingin si Paolo, tapos lumabas na rin ako ng classroom maya-maya. Matagal-tagal na rin kasi nung huli kong nakasama si Paolo. Nagbabatian nalang nga kami ngayon o kaya ngitian kapag nagkakasalubong o nagkikita sa classroom. Halos ilang linggo na rin kaming ganito. Okay na rin siguro 'to para sa amin. Para sa akin.
"Focus ka nalang sa studies mo Nadz." Sabi ko sa sarili ko sabay pwesto sa isang kiosk sa gazebo. "Malay mo maging dean's lister ka pa." dagdag ko sabay buklat at basa nung notes ko sa Econ.
Pinanindigan ko talaga ang pag-aaral nung biglang may umupo sa tapat ko. "Nadz." Napatingin naman ako dun sa pinanggalingan ng boses. "Based sa reaction mo... Iba yung inaasahan mong nakaupo dito sa harap mo." sabi ni Gian habang hawak-hawak yung baba niya. "Sorry to disappoint you, pero hindi ako yung inaantay mo."
"Gi, ikaw pala." Sagot ko. Patay-mali kunwari sa huling sinabi nya. "Wala. Nagulat lang ako sa'yo. Concentrate kasi ako sa pagbabasa dito tapos susulpot ka bigla." Paliwanag ko sa kanya.
"No need to explain Nadine." sabi niya nang nakangiti. "Coffee shop tayo. Treat ko."
"Sorry –"
"Teka, di mo pwede i-decline ang invitation ko." Putol sa akin ni Gian. "Ibigay mo na sa'kin 'to. Pakunswelo nalang sa pagbasted mo sa akin after nung debut mo. Coffee lang naman e."
Napabuntong-hininga nalang ako. "Okay. Sasama na." Hindi na ako nagdahilan para di sumama. Tama naman sya, pakunswelo ko nalang to sa pagbasted ko sa kanya. Niligpit ko agad yung gamit ko tapos pumunta na agad kami ni Gian sa mall.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.