Kakatamad pumasok ngayon pero kelangan e. Me long quiz kami sa major subject namin. Di pa nga ako nakapag-aral ng maayos e. Binasa ko lang yung mga photocopy tsaka yung mga sinulat ko sa notebook ko.
Pagkadating ko sa classroom dumiretso na agad ako sa upuan ko tas binasa ko uli yung mga photocopy. Isinaksak ko din yung earphones ko sa tenga ko. Mas nakaka-concentrate ako kapag nakikinig ng kanta habang nag-aaral e. Kanya-kanyang style yan.
Busy ako sa pagme-memorize nung lumapit yung isang classmate namin. Me hawak siyang papel.
“May nagpapabigay.” Sabi niya sabay lagay nung papel sa desk ko tas bumalik na siya sa upuan niya. Ano na naman ba ‘to? Kasama siguro ‘to nung sulat na nakuha ko nung isang araw pero iba naman ngayon. Me kasamang chocolate. Nililigawan ba ‘ko ng nagpapadala nito? Nilagay ko na lang sa bag yung sulat tsaka yung chocolate. Dumating na yung professor e. Magku-quiz na. Sana me maisagot ako.
“Ang hirap ng quiz. Quiz pa lang yun.” Angal ni Nadine sabay salampak nung mukha niya sa mesa sa food court. Tambay kami sa food court ngayon e. “Quiz pa lang yun ganun na kahirap, pano na lang pag exam na.”
“Malamang mababagsak ka.” Sabat ko. Tiningnan niya lang ako tas dinilaan.
“Nga pala, nasan si Megan? Sabi niya sa’kin kanina sasabay daw siya.” Tanong ni Nadine. Nagtaka ako. Kelan pa sila naging close ni Megan? Tas dumating nga si Megan. Umupo siya sa tabi ni Nadine. Close na sila?
“San ka galing?” tanong ni Nadine kay Megan. Tas ewan kung bakit pero tumingin muna siya sa’kin bago siya sumagot.
“May pinasa lang ako sa faculty room.” Sagot naman ni Megan. Weird talaga. Ewan.
“Aaah.” Sagot ni Nadine. “Pao, di ka pa kumakain diba, sabay na kayo ni Megan. Bili na kayo ng makain. Kami na magbabantay sa bag niyo.” Nakangiting pahabol ni Nadine. Anong nakain nito ba’t ang weird din. Mukhang inaasar na naman ako nito ke Megan.
“Ah. Ikaw Nadine?” tanong ni Megan.
“Okay lang ako. Busog pa ako tsaka di rin ako makakabwelo ng kain, depress pa ako sa quiz.” Sagot naman ni Nadine sabay tulak sa akin patayo sa upuan. “Sige na Pao. Una na kayo.”
“Hay. O na.” sabi ko sabay tayo. Tas pumunta ako sa Pritong Manok. Sumunod naman si Megan. Kaya ako inaasar ni Nadine kasi lapit din ng lapit ‘tong babaeng ‘to e.
“Nahirapan talaga si Nadine sa quiz. Mahirap naman talaga. Ikaw Paolo, nahirapan ka ba?” biglang tanong ni Megan. Nakalinya pa kasi kami sa Pritong Manok e.
“Okay lang. Di naman mahirap kung binasa mo yung photocopy.” Sagot ko.
Ewan pero di talaga ako palakaibigan sa mga babae. Tama na yung pagiging madaldal, makulit at moody ni Nadine.
Umorder nako ng isang drumstick tas dalawang kanin. Mas malakas ako sa kanin kesa sa ulam e. Tas bumalik na’ko sa table namin.
“O sige. Bumili ka ng makakain mo dun.” Sabi ko kay Nadine sabay upo.
“Okay. Pakibantay nung gamit namin.” Sabi niya sabay tayo tas bumili na siya ng makakain. Sumunod naman yung iba naming kaklase sa kanya, kaya kaming dalawa uli ni Megan yung naiwan sa table.
Ewan kung nananadya siya o nagkataon lang. Di muna ako kumain. Hinintay ko muna sila Nadine. Mabuti ngayon tahimik lang si Megan.
“O di pa kayo kumain?” tanong ni Nadine sabay upo. “Nauna na lang sana kayo.”
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.