Nadine’s POV
“Nadz. Pikit ka muna.” Sabi ni Ate habang nilalagyan niya ng eye shadow yung talukap ng mata ko. Pumikit naman ako. “Okay. Dilat mo na mata mo dali.”
Idinilat ko naman ang mga mata ko. Si Ate na kasi nag-volunteer na magmake-up sa akin e. Pumayag na rin ako. Di hamak naman na mas magaling siyang magmake-up kaysa sa akin. Siya nga rin yung make-up artist ko nung prom at senior’s ball namin nung high school e.
“Ang cute naman ng kapatid ko.” sabi ni Ate sabay pisil sa cheeks ko. “Mana ka talaga sa akin.”
“Di rin Ate. Mas cute ako kaysa sayo e.” banat ko.
“Sige. Pagbigyan. Birthday mo ngayon e.” sagot ni Ate habang inaayos yung make-up kit niya. “Nga pala, hindi ba nagtext si Paolo sayo kung hahabol ba siya or what?”
“Hindi e.” sagot ko. Tapos biglang tumunog yung cellphone ko. Tiningnan ko naman agad kung sino ang nagtext.
1 new message.
From Gian:
Hi Nadz! Sorry ngayon lang ako nakapagtext. Happy birthday nga pala. :)
Reply:
Thanks. :) Okay. Kita na lang tayo mamaya.
“Sino yun?” tanong ni Ate. “Si Paolo?”
“Si Gian.” sagot ko.
“Ah. Yung isa mo pang manliligaw.” Sabi ni Ate sabay upo sa kama ko. “Grabe dehado si Paolo kapag hindi siya pupunta ngayon.”
“Dehado?” tanong ko na nakataas ang isang kilay.
“Oo. E diba nililigawan ka rin nung best friend mo.” sagot ni Ate.
Hindi naman agad ako nakakibo. Malay ko ba naman kasi na alam na ni Ate. Hindi ko tuloy alam kung ide-deny ko o kung ano.
“Wag mo na subukang i-deny. Inamin na rin sa akin ni Paolo.” sabi niya. “Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo pa sinasagot si Paolo hanggang ngayon.”
“Ate!” sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko.
“Ano? Nagtatanong lang naman ako.” sagot niya. “Curious lang ako. Matagal mo na rin naman kilala si Paolo tapos best friend mo pa siya. Kilala na rin namin siya nila Mama kaya okay na rin.”
“Eto talagang pinag-uusapan natin sa debut ko Ate.”
“Psh. Ayos lang yan. 18 ka na rin naman e. Pwede ka na magka-boyfriend.” Sulsol ni Ate. “So ano na? Bakit di mo pa rin sinasagot si Paolo?”
“Best friend ko si Paolo, Ate.” Sagot ko. “Kulit mo rin e.”
“Ano naman kung best friend mo siya? Diba mas okay yun, nagsimula kayo sa pagiging magkaibigan tapos magiging magka-ibigan.”
“Ewan ko sayo Ate. Corny mo.” sabi ko sabay bato ng unan sa kanya.
“Pakunwari ka pa Nadz e.” sabi ni Ate. “Dati naman—“
“Tama na Ate. Past is past.” Putol ko sa kanya. Alam ko na kasi kung anong sasabihin niya e. “Tulungan mo na lang ako dito sa pagsuot ng pinagawa niyong cocktail dress ni Mama.”
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Подростковая литератураKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.