“Ano ‘to?” tanong ni Carl sabay hawak dun sa regalo na nasa mesa.
“Regalo ko sa syota ko.” Sagot ni Miggy sabay kuha nung regalo ke Carl.
“Sweet mo naman Migz.” Sabi ni Carl sabay tawa. Natawa rin ako sa sinabi nung kumag.
“Sira.” Sabi ni Miggy sabay batok kay Carl.
“Nga pala Migz, di mo pa kami napapakilala sa girlfriend mo.” Sabi ko.
Tiningnan ako ni Miggy. “Sumama kayo ngayon kung gusto niyo siya makilala. Tamang-tama birthday niya ngayon tsaka gusto rin kayong makilala nun.”
“Seryoso ka Migz?” tanong ko.
“O nga. Baka me date kayo. Birthday niya ngayon e.” second the motion ni Carl.
“Wala kaming date.” Sagot ni Miggy habang inaayos yung gamit niya. “May birthday party siya sa apartment niya ngayon.”
“Wow. Sosyal naman.” Sabi ni Carl. “Diba model yung girlfriend mo? E di daming chiks niyan ngayon sa apartment niya.”
Tiningnan lang namin si Carl. Hilig sa chiks nitong mokong na ‘to e. Me girlfriend pa naman ‘to.
“Ano na sasama kayo?” tanong ni Miggy sabay kuha sa regalo.
“Game ako.” sagot ni Carl sabay tayo.
“Ikaw Paolo?” tanong uli ni Miggy.
“Hmm. Sige. Wala naman akong gagawin sa bahay.” Sagot ko sabay ayos nung gitara.
“O? Wala ba kayong lakad ni Nadine?” pang-aasar ni Carl.
“May lakad si Nadine ngayon.” Tipid kong sagot. Tiningnan lang ako ni Miggy. Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa date ni Nadine tsaka nung kumag na Gian e. At ngayon yung date nila na yun.
“O dali na kung sasama kayo. Kanina pa ako tinetext ni Jean.” Sabi ni Miggy sabay kuha nung bag niya.
Nag-ayos na rin kami ni Carl tas pumunta na kami sa apartment nung girlfriend ni Miggy. Tindi rin ng type nitong si Miggy e. Ang alam ko lang tungkol sa kanya at sa girlfriend ay halos 5 years na silang magsyota. Senior din ni Miggy yung babae. Three years yung agwat ng edad nila. Di masyadong makwento si Miggy pagdating sa love life niya e. Di ko pa din siya naririnig na naglalabas ng sama ng loob pagdating sa relationship nila nung girlfriend niya. Masikretong tao talaga ‘tong si Miggy e at nirerespeto ko naman ang pagiging masikreto niya.
Maya-maya pa nasa apartment na kami ng girlfriend ni Miggy. Laki nung tinitirahang apartment nung girlfriend niya. Ganito siguro talaga kapag mga model.
“Tuloy kayo. Wag kayong mahiya.” Nakangiting sabi ni Jean, girlfriend ni Miggy. Pumasok naman kami.
Ang ganda din nung girlfriend ni Miggy e. Morena, mahaba ang buhok tas matangkad. Filipinang-Filipina ang dating.
Tuwang-tuwa naman yung ungas na Carl pagkapasok namin, da’ing babae e. Nilapitan agad yung mga babaeng nakaupo sa sofa. Adik talaga! Dumiretso naman ako dun sa kusina. Gutom e. Buti na lang mada’ing pagkain. Ito na lang pagdidiskitahan ko.
“Kain lang Pao.” Sabi ni Miggy sabay tapik sa balikat ko. Tumango lang ako.
“Ikaw pala si Paolo.” Nakangiting sabi naman ni Jean. Nginitian ko lang din siya. “Madaming nakukwento si Migz tungkol sa’yo.”
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.