Totoo ba yung nangyari kagabi?
‘Langya. Di ako nakatulog. Kahit anong gawin kong pikit ng mata ko, wala. Wa epek. Palagi pa ring lumilitaw sa utak ko yung nangyari.
Gising na rin lang naman ako, ako na lang ang nagluto ng breakfast namin.
“Wow kuya, may sakit ka ba?” pang-asar na tanong ni Mitchie.
“Sige mang-asar ka pero wag kang kakain.” Sabi ko sa kanya sabay upo sa mesa.
“Kuya e, di na ma-joke.” Sabi niya tas umupo na din siya. “Pero di nga Kuya, di ka ba nakatulog?”
“Bakit?”
“Halata kasi e. Tingnan mo yung eyebags mo. Obvious na wala kang tulog. E bakit kaya? In love ba ang Kuya ko?” pangungulit ni Mitchie. Umagang-umaga pa lang e nang-aasar na.
“Sige pa Mitch, mang-aasar ka pa. Anong in love bang pinagsasasabi mo dyan? Ang bata mo pa ang da’i mo ng alam tungkol sa mga ganyan.” sabi ko sabay batok sa kanya.
“Aray. Sakit nun Kuya ah.” Sabi niya sabay hawak sa ulo niya. “Pero di nga Kuya, obvious na in love ka e. Kay Ate Nadine ba?”
Natigilan ako sa sinabi ni Mitchie. Di agad ako nakasagot. Ganun ba ’ko kahalata?
“Tama ako Kuya no? Di ka nakasagot e.” nakangiting sabi ni Mitchie. “Okay lang yan Kuya. Boto ako kay Ate Nadine. So nililigawan mo na ba siya Kuya o baka naman kayo na?” pangungulit niya. Ang da’ing tanong nitong batang ‘to.
“Hay. Ewan ko sayo. Kumain ka na lang dyan.”
“Hay. Wag ka ng mahiya Kuya. Okay lang yan.” Sabi niya tas tumawa siya. Sarap talagang batukan nito. Kasing kulit din ‘to ni Carl e. Di ko na lang siya kinibo.
“Nga pala Kuya, pupunta ka ba sa mall ngayon?” tanong ni Mitchie. Tas naalala ko kelangan ko na nga palang bumili ng bagong guitar pick.
“Mamaya siguro, bakit?” tanong ko sa kanya sabay subo ng pagkain.
“Hmm. Magpapabili sana ako ng extra notebook e. Okay lang ba Kuya? Please.” Sabi niya sabay pa-cute.
“Sige sige. Humingi ka na lang ng pambili ng kay Mama tas ibigay mo na lang sa’kin mamaya.” Sabi ko sa kanya.
“Okay Kuya. Thanks.” Nakangiting sabi ni Mitch.
Pumunta ako sa mall after lunch. Wala kasing klase tas wala din kaming practice sa banda. Mabuti na lang din at wala kasi di ko alam kung papano ko haharapin si Nadine pagkatapos nung kagabi. Siguradong maiilang lang ako pag nandiyan siya.
Pumunta na agad ako sa Music Factory tas bumili na’ko ng guitar pick. Pagkatapos e dumiretso na’ko sa National Bookstore para bilihin yung pinapabili ni Mitchie.
“Ah Paolo?” sabi nung babae sa likod ko. Napalingon ako. Si Megan pala. “Anong ginagawa mo dito?”
“Ah ikaw pala. Nagpabili kasi ng notebook yung kapatid ko.” Sabi ko sabay angat nung notebook.
“Ganun ba. Di mo kasama si Nadine?” tanong niya sabay tingin sa likod ko.
“Hindi. Ikaw, wala kang kasama?” tanong ko.
“Ah wala rin.” Nakangiti niyang sabi. “Ah aalis ka na ba agad pagkabili mo niyan? Baka kasi gusto mo munang kumain kung saan.”
“Ayos lang. Gutom na din naman ako.” sagot ko tas binayaran ko na yung notebook. Dumiretso na kami sa McDonald’s pagkatapos.
Umorder ako ng Cheeseburger, Medium Fries tsaka Coke Float. Gutom e. Spaghetti tsaka Coke Float naman yung inorder ni Megan.
“Mabubusog ka na niyan?” tanong ko kay Megan sabay turo dun sa pagkain niya. Nasanay kasi ako na madami ang ino-order ni Nadine. Takaw kasi talaga nun e.
“Okay na ‘ko dito.” Sagot ni Megan. Kumain na kami pagka-order namin. Di kami masyado nag-uusap. Di naman kasi kami close e.
“Bakit di mo nga pala kasama si Nadine, Pao?” biglang tanong ni Megan.
“Busy siya e.” palusot ko.
“Ganun ba.” Sagot niya. “Ah Paolo, itatanong ko lang. Nililigawan ba ni Gian si Nadine?” usisa ni Megan. Ba’t ba ang daming tanong nitong babaeng ‘to tungkol kay Nadine.
“Di ko alam. Si Nadine na lang ang tanungin mo kung gusto mo malaman.” Sagot ko sabay inom ng Coke Float.
“Ah sorry, ang dami kong tanong.”
“Hindi pa nililigawan ni Gian si Nadine.” Sabi ko tas tumingin siya sa’kin. Mukhang me gusto din ata ‘to dun sa Gian na yun e. Kaya siguro interesado ‘to kay Nadine.
“Ganun ba.” Sagot lang niya tas nagpatuloy na siya sa pagkain.
Pagkatapos kumain pumunta muna kami sa The Peak tas umupo sandali. Mabuti nga tahimik lang ‘to kung ikukumpara mo kay Nadine.
“Ah Paolo, thanks nga pala sa pagsama sa akin sa pagkain.” Nakangiti niyang sabi. Pero yung tipo ng ngiti na parang nahihiya na ewan. Tahimik nga si Megan pero may pagka-weird din siya. “Sorry din kung medyo boring akong kasama compared kay Nadine.”
“Wala yun.” Sagot ko. “Tsaka ayos lang na tahimik ka, para maiba naman.”
“Hmm baka kasi iniisip mo na feeling close ako kasi lately sumasama ako sa inyo nila Nadine.”
“Di naman pero nagtataka lang ako kung ba’t ka nga ba sumasama sa amin.” Prangka kong sagot. E sa nagtataka talaga ako e.
Tumingin siya sa’kin sandali tas inalis niya rin yung tingin niya. Ang wirdo niya talaga. Pero kung ikukumpara mo siya ke Nadine mas babae siyang kumilos. Tingin ko nga e siya yung ligawin na tipo ng babae. Mahinhin, tahimik, pwede na rin cute, mabait siguro. Yung tipo na padadalhan mo ng love letter o ihahatid-sundo mo araw-araw. Sa madaling salita, malayong-malayo siya ke Nadine.
Ewan ko ba kung ba’t di rin ako sa tulad ni Megan nagkagusto. Ewan kung ba’t kay Nadine pa ako nagkagusto.
“Ah sige Megan. Una nako. Me gagawin pa kasi ako e.” sabi ko sabay tayo sa upuan.
“Ah sige sige. Mauna ka nalang, may dadaanan pa din kasi ako dito e.”
“Sige. Bye.” Sabi ko tas umalis na’ko.
Naiwan pa rin dun si Megan. Me dadaanan pa daw kasi siya e.
“Yan na notebook mo.” Sabi ko sabay lagay nung notebook sa mesa.
“Tagal mo naman nakabalik Kuya. Nagkita ba kayo ni Ate Nadine?” nang-aasar na tanong ni Mitch sabay kuha nung notebook.
“Kulit mo rin e no. May nakasalubong lang akong kaklase sa mall tas kumain kami sandali.” Sagot ko. “Tawagin mo ‘ko pag kakain na.” dagdag ko tas pumunta na’ko sa kwarto ko.
Inilabas ko yung gitara tas sinubukan ko yung bagong bili kong pick. Tumugtog ako sandali tas biglang tumunog yung cellphone ko.
1 new message.
From: +639*********
Unknown number.
Paolo. Pwede ba tayong mag-usap bukas? May sasabihin kasi ako sayo. Thanks. :)
- Megan.
BINABASA MO ANG
Boy Friendzoned
Teen FictionKwento ni guy bestfriend na na-in love kay girl bestfriend.